SSS
Mga momsh may nabasa kasi ako dito about sakanyang SSS reimbursement na nagkaproblema due to new rules daw ng sss. Gusto kolang din sana itanong sa mga baka sakaling nakaka alam dito kasi medyo may kalayuan samin ang sss office. Nagwork po ako mula 2016 mula po non nahuhulugan naman yong sss ko. And nagresign po ako ngayong april so nag stop po yong contri ko. Ngayon po nagpnta ako ng SSS last july 18 to file maternity notification at para nadin ifile ko sya as voluntary contribution. So binayaran ko yong mula (april-july) And sabe 44k daw makukuha ko if susundan ko lang yong payment ng company ko which is 1560 if maximum 70k. Pero nag 1560 lang ako. Tapos bumalik ako ng august to pay (aug-december). Hindi kaya ako magkakaproblema sa reimbursement ko? Kasi sabi nagpalit daw ng rules. Wala naman sinabi sakin sa sss non. BTW feb 2020 pa po ang due date ko.