7 Các câu trả lời
mommy same kami ni bf nyo. wala naman po magiging problem if sa kanya nyo sya ipapa-apelyido kasi ung middle name naman po na gagamitin nya is sa inyo. Then si bf nyo po wala sya middle name since sa mother nya ang gamit nya. kaya wala naman po magiging problem dun. need lang ng pirma ni daddy sa birth certificate as acknowledge kay baby. then un magagamit nya na surname ni daddy nya
pwede naman, malamang illegitimate child bf mo kaya gamit niya surname ng nanay niya. since allowed na illegitimate child to use father's surname, magagamit ng anak mo surname ng tatay niya. mag execute lang si father ng affidavit of acknowledgment and to use surname.
pwede kung accdg to your bf birth cert. is kay mama sya nka apelyido is nka apelyido sya kay mama nya, then, ayun po ang susundin.. or kung pumayag yung tatay nya, ok lng rin..
yun nga din po iniisip ko sis e, kaso ayaw ni bf gusto ma apelyido sakanya. baka ipaayos na muna yung apelyido ni bf bago ako manganak para di magka problem in the future
wala po prob yan. same sa case namin apelyido ng asawa ko ay maiden surname ng mama nya.
yun din po ba gamit na apelyido ni baby mo momsh?
same mi last name ni lip sa mother nya Wala naman pong problema☺️
pwede basta payag at pumirma ang tatay ng baby sa likod ng birth cert.
okay po, thank youuu momsh!❤️
Nikara