pangalawa

Mga momsh kayo ba hindi magagalit kung may tutulong na sa inyo mag asawa para magkaroon na ng sariling bahay pero ayaw ng asawa mo. Ganito po kasi yun. May kapatid ako mayaman sila ngayon nagpapagawa sila ng bahay sa isang village may nakita sila murang bahay na malapit sa kanila kinausap nila ko sabi nila tutulungan nya kami mag asawa para magkabahay tutal mura lang daw hulog dun para habang nakasuno kami naghuhulog na kami 1-2years pwede na lipatan buo na po yung bahay. Tutulungan lang po kami sa downpayment tapos para maapprove. Ngayon diniscuss ko sa asawa ko ayaw daw nya kasi gusto nya sa magulang nya muna bago kami mag ina nya. Ay nag init ulo ko mga momsh so ibig sabihin pangalawa lang kami sa plano nya kaya pala ayaw nya bumukod kasi ang plano nya bibigyan nya muna ng magandang buhay pamilya nya kesa samin mag ina nya! Naku!walk out ako mga momsh sabi ko sa kanya tutal ganyan desisyon mo dyan ka nalang sa pamilya mo! Hindi naman ako masamang tao kaso naman unahin nya kami maganda naman buhay ng magulang nya malaki sahod kayang kaya nila bumili ng bahay sila lang may ayaw. Sabi ko naman pwede naman natin sila tulungan pero unahin natin anak natin at magiging anak natin.. After nyan hindi ko sya kinakausap umalis ako sa kanila nala block sya sakin naiinis ako. Palagi nalang kasi magulang nya pati sa grocery pinagbibigyan ko sya 100% na grocery 60% sa pamilya nya tapos magtataka sya bakit wala kaming stocks at malaki nagastos. Yung ibibili ko sa kanya ibibigay nya sa magulang nya chocolate ko minsan magugulat nalang ako wala na sa ref yun pala binigay nya sa kapatid nya. Sobra na mga momsh eh soli ko nalang sya.

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lagay mo sa garbage bag, pahatid mo sa bahay ng parents nya. "Binabalik ko na po basura nyo"

Thành viên VIP

Nako sana naisip. niyq kung gaano kayo kaswerte na may tutulong sa inyo

putaena nakakagigil hahaha balik mo na sa magulang niya yan