Tama ung ginawa mo sis isoli mo nalang siya sa magulang niya. Nagasawa na siya dapat ikaw ang first Priority at anak ninyo, walang masama ang tumulong sa magulang. Hinde talaga kayo makakausad niyan just like us ganun din asawa ko eh pero kahit papaano ngayon narealized na ng asawa ko na unahin ang pamilya namin kc kung hinde niya gagawin matutulad lang din kami sa mga magulang niya pagtanda ang dami naman sana nila magkapatid pero ung ibang kapatid niya mga sarili nalang nila ang iniisip nila. Ang swerte no nga sis may kapatid ka na willing kang tulungan eh,ako may kapatid ako na may kaya din kayang kaya sana niyang bumili ng bahay o condo dito sa Pilipinas sabi ko nga kumuha siya para may investments siya dito at ako magbabantay pero ayaw niya! Kc natatakot siya na baka tirhan ko lang or hinde ko ibigay sa kanya ung kita ganun magisip ung kapatid ko pati nga sa pagtulong d namin maasahan bare bareya lang ang binibigay, pwro sa mga kaibigan niya galante siya, ang mamahal ng pabango binibigay niya at may dollars pang inaabot samantala sa akin malaki na ang 1k tapos ginagawa niya akong personal alalay pag nandito siya sa Pilipinas kaya lumayo na loob ko sa ate ko! Block ko na nga sa facebook ayaw ko na makipagcommunicate sa kanya kc diko maramdaman na tinuturing niya akong kapatid... magpatulong ka nalang sa kapatid mo na makuha ung bahay para may bahay kana then magwork ka.. Huwag mo asahan ung husband mo, pakita mo sa kanya kung ano ang mawawala sa kanya at kung ano ang mahalaga sa kanya.. Kung mahal ka niya marealized niya ang mali niya kayo ang pipiliin niya.
Anonymous