29 Các câu trả lời
Tip ko lang: Marami din gusto mag ninong at ninang sa baby ko kahit wala pa nga kaso isipin nating mommies not all of them have the capacity to look out for our child/ren. (If you know what I mean) iba yung friends mo lang sa mga kilala mong tao talaga na they will guide your baby through the process and at the same time help you to deal with it. Mas maganda rin siguro kung family inclined mga ninong/nang ng babies natin. Kahit below 20 basta alam mong andiyan for us. Iba kasi yung friendship mo lang na kaclose mo pero wala namang alam sa pag-aalaga ng bata (iba yung nacucute-an lang) happy tayo kasi maraming may gusto umagapay sa anak natin pero how sure are we na tuloy-tuloy yun? Hindi lang pamasko o regalo sa bday ang mahalaga. Dapat pati blessings nila for the child and they know how to educate them. Yung matured ba. Ganon. (Just saying) yan kasi nasa isip ko. Hindi lahat may kakayahan. Yung iba excited lang.
40 ang sponsors ng baby ko kase hindi na kame mag aanak pa becoz of our age kaya todo na!!! yung iba nag volunteer, yung iba nasa ibang country naman kaya di naka attend nagpadala lang ng gifts at pakimkim ☺️ tuwa nga yung priest na nag binyag kase yung isang bininyagan nya iilan lang yung kasama.. sakin daw buong brgy ang dala ko naging masaya ang binyagan ng baby ko panay joke ng priest eh ☺️
Choice nyo naman yan. Sa panganay namin 36, sa bunso 30. Mahirap kasi tanggihan ung mga gusto magninong at ninang. Mga malalapit na kamag anak at kaibigan sila na alam naman naming magsisilbing pangalawang magulang sa mga anak namin
40+ samin. Hehe. Nagpunta naman lahat. Keribels lang, di yan too much. Ps, halos yun close friends namin, best friends and classmates namin ni jowabels nung college, yung iba relatives na.
Sa panganay ko 20+ din ninong at ninang pero sinigurado namin na malapit tlga samin magasawa ung mga kinuha namin and ung makakatulong or may matuturo tlgang maganda sa anak namin 😊
Tig 2 lang siguro kukunin namin yun lang makakatulong kay baby talaga in case mawala kami sa mundo ng hubby ko at maulila namin si baby pero wag naman sana huhu
ako isang ninong tapos isang ninang, para kahit kumain lang sa labas, pratikal lang, ang pinaka importante naman ay yung mabinyagan talaga si baby..
'Yung ibang ninong at ninang ng baby ko, nagpresenta na, kaya konti lang ang kinuha ko 😅😅
Maganda kaunti lang sa next baby mo.nalang yung ibang nag pre presinta hahaha
sa LO ko ang ninong 23 ang ninang 22.. yung iba puro relatives namin..