12 Các câu trả lời
Follow-up ka sa OB mo. Baka kasi yung unang antibioti sayo is not appropriate sa bacteria na nasa urine mo para mabigyan ka ng new antibiotic. Hindi bawal manganak ng may UTI pero risk ito para magpreterm labor ka and magka-infection si baby pagkalabas.
Same situation tayu sis. Two consecutive months ako nagka uti. Last August at ngayung September. Last September 750mg yung antibiotic na ginatake ko. Nagka phobia na ako. 29 weeks na ako ngayun.. Subra pag iingat ko kc takot na talaga ako.
Hindi naman po sa bawal manganak ng may uti pero mas okay po pag wala. Baka po maka affect kay baby yung itatake na gamot kaya suggest ni ob fresh buko juice tas madaming water, iwas sa maaalat at mantikain na food tas kain po kayo fruits
hala ganun po ba. CS na po ba pag may UTI? kinakabahan po ako now lang po ako nagkaUTI eh. Kung kelan naman malapit na
after ng 1 weeks na antibiotics antay po ulit kayo ng 1 week para dun umepekto yung gamot ganyan dn ako sinunod ko lang sinabi ng ob ko inom ka tubig nakaka 5 liters a day ako non
Yun nga po ginawa ko momsh. 32 weeks akp nagkaUTI tapos 2weeks na lumipas pero mas tumaas pa ung pus cells ko. :(
sabe sakin n ob kaya kaylangan gamutin ang uTI para hindi magpremature si baby...kaya minsan maaga lumalabas si baby dahil sa uti
hindi naman po s bwal manganak pg may uti ang concern po kasi diyan baka mapasa niyo uti nyo kay baby, kawawa naman.
CS na po ba pag may UTI? kinakabahan po ako kasi ngayon langa ko nagkaUTI kung kelan naman malapit na.
Sabi ng ob ko mamsh nakukuha din uti sa mga sweet foods not only sa mga salty foods.
Prone to have UTI ang mga preggies. Better ask your OB if what need mo i-intake.
Inom ka ng buko juice un fresh mwawala yan
try mo mag fresh buko juice mommy every morning.
yun nga po gagawin ko na momsh. Bawal po ba manganak ng may UTI?
Anonymous