Bakit Po Ganun
Mga momsh bat po ganun. 37. 8 na temp ni baby ko kakacheck ko lang kanina pero ung init ng katawan nya di nman ganun kainet unlike minsan mainet katawan nya pero normal temp lang sya. Pag po ba ganito painumin ko na po ng tempra? Hindi ko din alam bakit sinisinat sya. Yung bakuna nya na PCV vaccine nung Sept 27 pa. Sana may makasagot po pls tnx momies.
Sis pinapaliguan mo b siya pag umaga? Kung npaliguan na Po.. bawasan mo Po nakabalot sa Bata. . Kung mainit sa luob ng bahay labas Po Kayo pahangin sa labas or sa sala.. then ulitin mo Po ulit after 30mins to 1 hr Kung tumaas. Iwasan din masyado kargahin bka nmn Po ung init n PO NG katawan ntin maabsorb ni baby. .padedein niyo din po ng breast milk para mahydrate Po siya.. Pag or tumaas sa 37. 8 paiinumin mo n PO tempra Kung Yun reseta ng pedia sis ah.. bawal kc manghula ng dose sa baby bka masira liver.
Đọc thêmMainit po panahon ngayon, wag masyado balutin c baby. Ung presko po ipasuot nyo then monitor lang kung magpersist low grade fever ni baby. bte, nagbibigay po ng paracetamol drops for temperatures 38 degrees Celsius and above pag low grade 37.5-37.9 tepid Spong bath Lang po.
Nung 1month ni baby gnyn din nag 37.5 sya dinala ko agad Ng pedia at ntakot ako bka may infection sya,pero ok nmn lahat Sabi Ng pedia nya cguro lagi balot na balot sya ayun d ko na sya sinuotan Ng jacket at panjama....mabilis pala mag absorb Ng init Ang katawan ni BBY,😊
Punas punas sa lahat ng singit ni baby yung galing mismo sa running water para malamig pag di padin po try naponpa check up.
Puna punasan mlng sya sis.. tps ipasuot mo damit un presko lng like sando.. mainit ksi tlg panahon ngayn.
37.8 is normal naman kung gabi mas mataas kasi temperatura pag gabi. pero bantayan pa din si baby
use nyo po yunt thermometer sa ears or yung san kilikili. wag po yung sa nisscan sa forehead
lagyan nyo po ng bimpo yung noo or punasan lo yung mga singitsingit para mabawasan init nya
Baka naiinitan. Papreskuhan si baby, punasan/liguan, suotan ng preskong damit.
Punasan mo lang po siya Mami. mawawala din po yan