23 Các câu trả lời
Mommy, mahirap po magbuntis, naranasan ko din po na nakukurot at nakakagat ko si lip ko. Mommy, mag sorry na po tayo at iexplain po natin bakit umabot sa pagpapalayas ang ganap niyo. Wag po kayo madiscourage. Magiging okay din po kayo basta maging honest lang po kayo sa nararamdaman niyo. Isipin nalang po natin, naoffend po si mister nang mapalayas at kung may nakakita pa, nakakahiya para sa kaniya yun. Sa isip niya, hindi niya rin po alam kung uuwi na siya kasi baka palayasin ulit o pupunta at mangulit. Kung ang mga friends niyo po ay wala pang mga anak, mahalaga po na kayo mismo mag explain sa asawa niyo kung ano nararamdaman niyo. Tingin ko hindi lang po alam ni mister saan lulugar. Baka po iniisip niya ganun po ba kayo kagalit na ayaw niyo na siya makita. Mommy pasensya na po pero kailangan niyo po talaga magsorry.
Ako sis baliktad, halos ayaw ko sya mawala sa paningin ko to the point na pinagleave ko agad sa work since nung nalaman namin na magkakababy na kami pero syempre kelangan ng panggastos kaya ayon kelangan din pumasok 😂😂😂 Kapag medyo nabobore ako sa bahay nakikipag videocall pa ako kahit nasa work sya at sya naman panay reklamo kasi nga nasa duty sya 🤣🤣🤣 Tapos pagka uwi nya ng bahay ayaw ko sya patulugin hanggat di ako inaantok, basta sis feeling ko hubby ko ata pinaglilihian ko 😂😂😂
Oo.naku mamsh dala yan ng pagiging hormonal natin. Kaya matinding paguunawa talaga ang dapat gawin ni mister mo. Pagkaganun,paliwanag mo nalang sa kanya na kapag buntis,ganyan talaga nararamdaman. Na unawain ka nalang. Kasi dahil sa pagbabago ng hormones yan Hindi man natin gusto,pero nangyayari. At di lang sayo nangyayari yan. Halos lahat ng buntis nakakaranas niyan. Maglambing ka nalang at magsorry sa kanya. Habang pinapaunawa mo. Mauunawaan ka naman nun 🙂
Akala ko po sakin lang nangyayare to. Minsan gusto kong laging kasama, kaso minsan namam po naiirita ako. Siguro di nya na din alam san nya lulugar sarili nya.
Ganyan din ako. Haha palagi akong naiirita sakanya. Lalo na pag dikit siya ng dikit saken tapos pag alam niyang Inis na Inis na ako mas lalo niya lang akong kukulitin haha nakakaasar lang.. Pero pag hindi ko naman siya kasama parang namimiss ko siya. Haha pinaglilihian ko kasi siya. Buti na lang humaba yung pasensya niya saken ngayong buntis ako. 😂
Oo nga momsh. andito po kasi ako sa pamilya ko, and sya after nung palayasin ko nandon sa kanila, 2nights na po syang di umuuwi. And ako naman po antay lang ng antay, ayaw ko po syang i beg na umuwi dito kasi baka nung palayasin ko nasaktan din sya. And totoo nga momsh pag di ko sya kasama nakakamiss and at the same time, nakakalungkot.
Nung first trimester ko hindi pa namin alam na preggy ako. Bwisit na bwisit ako sa lip ko lalo pag hindi ako makatulog sa gabi tapos sya ang sarap ng hilik. Parang gusto ko tadyakan para mahulog sa kama. 🤭😅😅😅 Nagbukas ako ng ac ganun prin hindi parin ako makatulog naiirita talaga ko. Lumipat nalang ako ng room. 🤣🤣🤣
Minsan nga po nakakairita, everytime pala pero minsan kakaawa din.
True mommy pag sa first trimester talaga parang naaalibadbaran ka pag nakikita mo mister mo tapos konting bagay lang gusto mo lagi syang aawayin HAHAHA. Pero pag dating naman ng mga 2nd or 3rd trimester gusto mo lagi mo na syang katabi parang pag umalis lang mister mo miss na miss mo na agad. 😅
Ako naman gusto ko nakikita ko siya lagi. Lalo na pag matutulog ako gusto ko nakahawak ako sa kanya o kaya nakasandal lang kahit paa ko sa kanya basta nakadikit ako .Siya na nga naiirita 😂😂😂 Gabi gabi pa ako nagpapakamot ng likod bago sleep gusto ko kinikiss pa nya ako😂😂😂
Nung ako gusto ko lage ko siya nakikita. Kasama. E dahil nag wowork siya hinihintay ko nalang tas pag uwi pa niya kakain lang tas ayusin higaan namin tas hintayin niyako matulog bago siya matulog. Pero madalas ewan ba bat pinapalayas ko siya 😂😂
Haha, nag aaway pero not to the point na nag papalayas ako, 😂 minsan talaga di mapigilan pero kinakalma ko sarili ko bago ko sabihin yung bagay na baka mapagsisihan ko. Mahirap kasi yung pinapalayas mo tapos gusto moang pala magpasuyo. 😂🤣
Super hirap nga po lalo na nasaktan ata, di pa rin nauwi hanggang ngayon.
Nung first tri ko lagi ko sya inaaway.. 😁 My time p n nasaktan at nakagat ko sa kamay ..Muntik n mabaklas yun balat😅 Pero at the end ngsisi din nmn ako .. At diko rin matiis pag di nya ko kinakausap .. lalo ako naiinis pg ganun😅😅
Madalas nga po nainit yung ulo ko sa kanya. Sa kanya lang naman. Tapos minsan nga nassaktan din sya, pero ngayom siguro sobrang nasaktan, di pa rin umuuwi
Anonymous