9 Các câu trả lời

Makikita mo yung estimated computation sa online inquiry .. Dyan sa maternity claim wala ka talaga makikita dyan kasi magkakarecord yan kapag nakakuha kna ng maternity claim .. claim history kasi yan .. try mo open sa browser www.sss.gov.ph click mo e-services then drop down click sa inquiry sa inquiry hanapin mo yung eligibility then click drop down maternity/sickness sa maternity/sickness select mo maternity fill up mo yung mga fields dun : * start of confinement * end of confinement * reporting employer number/or check mo yung box if self employed/voluntary/household member click submit lalabas na dun yung sample computation mo based sa last 6 months na hulog mo .. take note na estimated pa din yun .. pero more or less hindi naman malalayo dun sa actual na makukuha mo .. just make sure na nakapag submit ka ng maternity notification ..

Hello, dapat may at least three contributions ka for the year. If due ka on January, dapat from October 2018 - September 2019 meron ka jan at least 3 contributions kahit putol-putol. Make sure na sa website ka nalang mag refer kasi mukhang mas updated yun. Makikita mo din doon if nareceive yung maternity notification mo. Hanapin mo lang sa menu nila yung “Maternity Notification” tab. Tapos yung sa computation naman, under ata yun sa “Eligibility” na tab. Basta eto sample nung sa maternity notification details.

yung number of allocation eh para yan kung mag aallocate ka ng leave credits mo sa asawa mo .. o yung masasabing paternity leave ..

Kelan ka po nag apply ng sss mo momsh? Dapat kasi may contributions ka ng ilang buwan bago ka po manganak..

Punta ka na lng sa sss at inquire k dun para mas klaro ang detalye about sa maternity claim.

Thank you po sa lahat ng nagcomment. Nakita ko na po. Happy New Year po lahat ng momsh.

VIP Member

Sa online makikita, browser gamitin mo. Online na rin pagpasa ng mat1 ngayon.

Sa browser ka mag log in, Sis. Di talaga makikita pag sa mismong app.

VIP Member

Mas maganda po kUng sa Sss ka mismo pumunta

Pumunta napo ako kaso wait ko daw notification. Kaso may mga nakikita po kasi ako na post na makikita daw if magkno makukuha before manganak . Eh ung sa akin wala po akong nakita

Anong app eto mommy

SSS mobile po

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan