90 Các câu trả lời
Ako sa lying in lang din ng RHU. Kasi nakadepende yan sa findings kung normal. If normal tatanggapin ka nila lalo na kung legal age na. Ako turning 19 pa lang ngayong june tinanggap ako kasi july 1 yung EDD ko. Tsaka kung wala namang issue sa lying in pwede naman kahit first baby. Btw, 34 weeks nako ngayon and ayos na yung papel ko sa lying in. In case of emergency sa panganganak irerefer ka nila sa ospital😊
Bawal na daw po sa lying in mommy kasi may mga case na hindi nirereport ni lying in kapag may nangyari sa baby or sa Ina kaya mismong DOH na ang naglabas ng memo na kapag 1st baby hindi pede sa lying in.Meron mga lying in na pumapayag na dun manganak pero mag sign ka ng waiver na kapag may nangyari sayo or kay baby hindi ka sagot nila at hindi mk rin pede gamitin ang philhealth mo..
Nagaalala lang cla sau kc first baby mo yan.. kung wala nmn sakit o ano man pde ka sa lyin in ..maganda din kc sa hospital kc may mga gamit if mgkaron ng emergency kung malakas loob mo tlga pde ka sa lying in aq nga first baby q sa bahay lang lola q lng ngpaanaka skin modwife din sya..wag ka mg pa stress kahit saan bata pde ka mnganak go lang😊👍🏻
Bagong batas po ng DOH na doctor po ang mag papaanak sa mga First Time Na mommy. Pero since sa epedemya na kinakaharap natin pinayagan po ang mga lying in or midwife mag paanak ng mga first born dahil mas delikado pag sa hospital gawa ng hindi natin alam baka mga tao doon ay may virus. Yan po sabi sakin sa lying - in na pinupuntahan ko ngayon..
Ako po, sa lying in din ako and first time lang din po ako, sa Lying in lang din po ako manganganak.. Mas gusto pa nga ng biyenan ko na sa Lying In ako manganak kesa sa Ospital kase kapag sa Ospital, aabutin ka pa ng 5-7 days bago ka makalabas, eh sa Lying In, 3 days pede ka na makauwi.. Ganun din naman eh, Basta Healthy ka, Healthy si Baby.
Momsh.. ako, nung nanganak ako sa panganay ko sa lying in din ako 20 y.o lang ako that time. Ung baby ko now 10 yrs old na.. no defects and normal delivery. Ngaun preggy ako sa 2nd baby ko mas gusto ko sa lying in. Kac subok ko na and mas safe kac puro pregnant lang ang nandon unlike sa hospital iba iba makakasalamuha mong patient.
Kung FTM ka, I suggest magtanong ka muna sa lying in kung nagpapaanak sila ng first baby. Kasi may mga lying in na di nagsasabi tapos pag manganganak ka na saka lang sasabihin sayo na di sila nagpapaanak ng first baby. Lalo ka lang mahihirapan plus hassle pa. Sa halip na iire ka na hhanap pa kayo ng ospital na malilipatan.
Ako momsh ftm ako sa lying in ako nanganak, mura nga nagastos ko sa lying in pero sobrang mahal naman ng binayad ko nung naospital baby ko. Wala kasing pedia sa lying in kaya di agad nalalaman kung ano kumplikasyon ni baby. Kaya mas mainam sa ospital na kumpleto and mas safe sainyo pareho ng baby☺️
Kpag first baby dapat naman po talaga sa ospital. Dpende sa lying in if tumatanggap sila pag panganay. Dito sa province namin bawal talaga. And mas prefer ko dn talaga mnganak sa ospital ksi if ever na may emergency may mga gamit na . Pag 2nd baby pwede na cguro sa lying in kung normal lang naman.
Much better po kung sa hospital. Magkaiba naman po kayo ng biyenan mo eh nasasabi nya madali lng kase naka sampong anak na sya kase madali lng sya tlga manganak. Dun tayo sa mas safe lalo na at first baby. Kayang kaya mo yan ate basta isipin mo lng mailabas si baby para ka lng nagpoopoo. 🤭