After giving birth
Hi mga momsh ask ko lang po if risky po ba mabuntis ulit after 2 months nanganak ? October 22 po nung nanganak ako tas nung December 1 niregla na ako pero 35w6days lang po nung pinanganak ko si baby 2 days lang sya sa labas iniwan niya rin kami 🥺 gusto ko po mabuntis agad ulit pero baka po kasi nakakatakot mabuntis agad after manganak kaya nagbabaka sakali po ako na mag tanong dito na baka po meron maka sagot sa tanong ko , sana po mapansin . ❤️ #pleasehelp #advicepls #justasking
Hi po. I understand po na because of your loss you wanted to have another baby. I experienced the same when I lost my first born. I know it was just irrational thoughts brought by the feeling of grief and loss. Gusto ko sundan agad, but I know there are risk if ganun. Number 1, hindi pa naghe-heal yung body mo, number 2, according to my ob there is 30% chance of having another preterm delivery because you had already one. Ideally po, 18 months to 2 years pa dapat sundan just to allow your body to heal kasi po nanganak po kayo. In my case, I gave birth last year, 26 weeker lang yung baby ko at 1 month lang sya nabuhay. It is really painful, masakit ang healing process kasi hindi mo magawang mag thank you sa mga tao na nag co-congratulate sayo after manganak kasi premature yung baby, and then boom nawala lang din. Niluwal pero hindi naiuwi. Kaya I understang kong why you have the urge to get pregnant again kasi I've been there in the feeling. As much as I wanted to bear again, I know na there are risk. Kaya, nagheal muna ako, and making myself rational. Last, May of this year, I consulted my OB about getting pregnant if pwed na ba, she gave me go signal. However, I still have hesitations kasi nga natatakot ako maulit, even if may go signal, I waited for more than 3 months to really finalized my mind and putting my heart into it. I made sure I wanted to have a baby because I am ready not because I wanted to replace my loss child but because I am ready to give myself and my husband another chance to become parents. So technically hindi inabot ng 1 year after ako nanganak, 10 months lang, I got pregnant right away. But before po ako nagbuntis, I took folic acid for more than 4 months as part of my preparation. I exercise to prepare my body. If you asked me if I am still grieving, yes I still do but it was quite different journey ngayon, at peace ang puso ko at alam ko itong 2nd baby ko is not a replacement sa nawala. Kaya mommy, pray ka muna before deciding things, do not rush. Talk with your husband, consult and OB to help taking care of you. I have a lots of precautions this 2nd pregnancy, I chose to stop working muna, then rest. Taking my prescriptions and prenatal vitamins. Following my OB's order to have a fullterm baby on May 2023. Praying for your healing and decision making.
Đọc thêmbest to ask ypur OB po. pero, yes high risk if 2months pa lang magbubuntis ka na ulit. wag mo madaliin ang healing process ng katawan at isip mo kasi pwedeng ikaw at yung new baby mo magsuffer ulit.... just heal.. take it slow.. ibibigay yan ng Panginoon sa tamang pagkakataon.. Namatayan din ako ng baby at gustung gusto ko rin magakababy na ulit kasi yung sakin nun talagang di ko man lang nakarga, nahawakan, nung lumabas kasi sya wala nang buhay... kinausap ko OB ko at nagpaalaga ako for 6months with vitamins and tests syempre para ma-make sure na healthy na ulit esp yung matres ko.. pero ang Panginoon, may ibang plano, alam kasi nya na di pa ako handa emotionally, yung di pa nakamove on nun. Nagkababy ako ulit ngayon (after almost 3yrs) at sa time na to, super healed na yung pain sa heart, sa mind at sa katawan ko... pray ka lang lagi.. Godbless po.
Đọc thêmkaya nga po eh 🥺 siguru ganun narin dahil sa pangungulila kay baby kaya gusto ko masundan ulit , diko rin kasi siya nakarga at nahawakan eh kasi sa koob ng 2 days andun sya sa NICU . Yung boses lng niya na umiiyak yung narinig ko pero hindi ko sya nakita nung buhay pa sya tsaka nalang nung wala na 🥺