hello mamsh! Mainam kumain ng green leafy vegetables po like malunggay, talbos ng kamote, alugbati etc.. wag ka matakot na sundin ang payo ng dr sa pag inom ng supplements/vitamins. Also ang bp ay iba sa hemoglobin; ang bp ay presyon na pinapump ng puso natin, ang hemoglobin naman ay ung pula ng dugo natin. Ang bp malalaman mo sa pag gamit ng bp apparatus while ang hemoglobin naman malalaman mo level kapag kinuhaan ka ng dugo at ineksamin sa laboratoryo. So kapag sinabi na mababa ang bp mo it doesn't mean na anemic ka (bp=presyon, anemic=mababa ang pula ng dugo). Damihan mo din water intake mo at iwasan kumain ng mabetsin/maaalat like tsitsirya, pag gamit ng sawsawan (patis, toyo, asin), bagoong, alamang; iwasan din ang coffee, milk tea, soda. Hope this helps ;)
Anonymous