10 Các câu trả lời

Correction lang mommy, hindi po nilalagnat ang baby dahil sa nagngingipin na sya. Dahil po ito sa mga bacteria na nakukuha nila kapag nagsusubo sila ng mga kamay or gamit, ganyan si LO ko, sabi ni MIL dahil sa pag ngingipin pero hindi ako kombinsido kaya dinala ko sa pedia ,ang result is meron syang viral infection and after 3days na pabalik balik na fever nagkaroon sya ng ganyang pantal. Measles like, dahil nga sa viral infection.

VIP Member

iba po ata yung measles sa tigdas hangin na roseola. kusa mawawala yung rashes after a few days. maganda iconsult pa din po sa pedia. nakakahawa siya pero yung lagnat lang kailangan bantayan. once wala na lagnat antayin na lang mawala ang rashes. tska kahit may vaccine, pwede pa din magkaron ng sakit si baby pero hindi siya magiging kasing lala ng walang vaccine

Ganyan si Baby Tigdas hangin raw sabi ng pedia , kung tapos na lagnatin wala na dapat ikabahala mawawala rin daw after 5 days , kung sobrang kati pinapalagyan nya lang ng cream para d masyado mairita. Si baby wala pa bakuna laban sa tigdas

Kahit may bakuna ata mamsh magkakatigdas hangin talaga lalo na pag panahon ng tigdas. 2 kasi tigdas: hangin at yung itim , pag itim raw yon delikado kelangan talaga may bakuna na ang bata. Si baby mo may panlaban na sya para sa tigdas na itim. Si lo ko nirequest ko na sa pedia nya na bigyan na ng para sa tigdas kasi mag 8 months naman na sya.

Ayoko talaga Ng hilot. Napakasoft pa Ng katawan Ng baby at lamang loob. Kapag po ganyan magpaPedia na po. I hope napabakunahan nyo po siya sa tigdas para iwas komplikasyon. Libre naman po sa center Ang bakuna.

Napabakunahan ko po sya MMR last sept 8 kaya nakakapag taka na may tigdas sya

Yes momsh, tigdas po yan. Natural lang po lumabas yan after lagnatin. Mawawala din yan mommy hehe. Ganyan din sa baby ko, after 5days nawala. Wala din po ako pinahid na kung anu-ano.

Tigdas hangin po...wag niyo lang po ilalabas ng bahay si baby after 3 days wala na din yan

VIP Member

Pinakain ko po nilagang itlog. Para daw po lumabas lahat sabi ng mother ko

ganyan po ata talaga after lagnatin. pero pag napaliguan yan nawawala naman.

Di po kasi pinapaligo sa akin

VIP Member

ganyan anaknko mommy, tapos pina check up namin allergies daw

Ipinagtataka ko po kasi this month nagpavaccine kami ng MMR means laban tigdas. Pacheck ko nalang po bukas momsh

better to consult your pedia po

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan