Ano naman masama kung pagsasabayin, bakit kailangan sumama ng loob mo eh ang importante maidaos nyo, besides di naman pa alam ng baby yan. Are you doing that for the baby or for you.? Tama naman ung asawa mo mas practical. Ung 2 anak namin sabay ang dedication at 1st birthday. I dont see anything wrong with that.
kami pinagsabay na ang first birthday at binyag. ang reason namin para isang gastos nalang, isang handaan, minsanang pagod nalang. yung event naman na yun ni baby sobrang pinagbuhusan na namin ng effort kaya ok naman. choice mo pa rin naman yan momsh, kung gusto mo wag pagsabayin be honest with him nalang, pag usapan nyo
Mumsh hindi pa naman maaapreciate ni baby ung mga ganyang event kasi bata pa, baby pa. Ikaw na nagsabi na first baby niyo so dapat lahat ng needa ibibigay lahat ng wants pag iisipan kung ibibigay din. Be practical mumsh. Just my opinion
Actually ako din po same tayo ng idea n magkaiba kasing event but when it comes to practicality issue mas favorable sya n pagsabayin,but its up to you pa rin po 😊😊😊
Eto yung pinag-iisipan namin. For me, practical if pagsasabayin ang binyag and 1st birthday. Isang buong araw lang na pagod at halos same lang din ang mga dadalong bisita. 😛
agree ako dyan na pagsabayin nalang.para mas tipid sa gastos.d pa naman nya.maa aapreciate maasyado yan.kasi baby pa.paglaki.nalang siguro.pero kung may budgetka naman.why not
Para sa akin, mas practical ang pagsabayin. Kasi 1st birthday pa naman. Hindi pa naman nya gaanong ma eenjoy yun sapagkat 1 year old palang sya. Anyway, nasa saiyo parin yun.
Ako pag sasabayin ko. Mas tipid e. May source of income din naman kaya naman magkahiwalay kaso mas maganda kung yung extra itabi nalang muna para sa emergency purposes.
Sabay din 1st bday and binyag ng daughter ko.practical din kasi lalo if same set of guests naman. If gusto mo talaga hiwalay, try talking it out with your husband.
Hindi naman yan maaalala ni baby kahit anong bongga ng event nyo. Mas maganda pa paghandaan ung mga birthdays na may isip na si baby at matatandaan nya na 😇