feeling disappointed/super sad

Mga momsh ano po gagawin ko ansama ng loob ko. Kasi ang husband ko di makakauwi sa panganganak ko due ko is Feb. 13, 2020 ang uwi po ni hubby sa Feb. 04, 2020 kaso na move ng feb. 16 ang uwi nya, so nanlumo ako mga momsh 1st baby namin to momsh iniisip ko nalang pano nalang yun mag isa ako at nakakalungkot na di ko makasama yung hubby ko at wala sya sa tabi ko ang hirap iniisip ko palang sobrang naiiyak na ako. Nahihiya naman ang hubby ko mag pa early vacation sa boss nya kasi kaka promote lang sa kanya as 3rd engr. So ayun nag tatampo ako sa hubby ko kasi expected ko kasama ko sya sa delivery ko. ?????? Wala rin mga family nya asa malalayo. Sa akin din malayo sila and aasa ako sa mga tita ni hubby nakakahiya din iba parin kasi kung asawa mo ang kasama mo. ?? Ano mga momsh gagawin ko? Iintindihin ko nalang sya mga momsh? At sa iba nalang mag pasama.

51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ok lang yan sis asawako nga sundalo sa cagayan na asign tatag at pray lang po intindihin muna natin sila ang importante makaraos tayo sa panganganak ,😇

5y trước

Yes sis..hehe salamat🤗

tawag kasi ng work wala taung magagawa. . so mghnap ka nlg po na pwd umalalay sau kpg mnganak ka na. wag po msyadong malungkot bka mastress ka at lumabas ng maaga c bby :)

5y trước

Yes po momsh..salamat😘

nd ka po ng iisa madaming same situation sayo moms. Ako mlapit na manganak nov.8 due ko pero next year feb pa uuwi c hubby. kaya. Pkatatag lg tayo momsh para ky baby.

5y trước

Thanks sis. Pray always and Be positive pra kay baby.

Try n'yo mag-request sa boss n'ya. May nadadaan sa mabuting pakikipag-usap. Kung 'di naman payagan, intindihin mo na lang. For work naman, eh. Gan'yan talaga.

Momsh ang lapit ng pagitan nung sainyo, saken nga manganak ako ng november this year, uuwi sya april next year 😭💔 hays.. Buhay seaman's wife 😔

5y trước

Huhuhu. True sis struggle naten sa mga hubby naten pag asa barko sila. Be strong nalang tayo sis kahit na mahirap. 😘🤗

Wag k mag alala momsh minsan kasi d sasakto sa due date mo minsan mas mapaaga minsan nman late malay mo saktong pag uwi n daddy nya tsaka ka mag lalabor.

5y trước

Huhu sana nga momsh hoping 🤗😘

Intindihin mo nlng momsh kc work related naman po mas nagtampo ka kng wala namang wawa yung gagawin nya pagpapalit nya ung pag uwe nya di ba po?

Ako nga mamsh January manganganak pero sa June pa uwe ni hubby. Ang sad part 5months na baby namin non. 😊 1st baby nmin to, pero fight lang din.

5y trước

Huhu. Kelangan talaga strong mommy lalo na sa case na ganito momsh🙁

Intindihin. Para rin sa iyo ang ginagawa nya. Minsan mga mommy wag masyado sensitive kasi nahihirapan din sila sa trabaho para may mabigay.

Thành viên VIP

Ang sad naman. Yung husband ko talagang kinapalan nya na lang mukha nya, nagpaalam sya 3 months sya mag leave. Buti pinayagan naman sya.