8 Các câu trả lời
Kung umalis siya, hayaan mo na muna. Magpalamig muna kayo. Gamitin niyo yung time na magkahiwalay kayo para magreflect sa mga mali niyo. Kung alam mo ng okay kana at ready na siya makipagusap sayo, magusap kayo ng masinsinan. Pagusapan niyo yung mga nagawa niyong mali, pagusapan niyo yung plano niyo sa family niyo at lalo sa baby niyo. Magkaroon kayo ng vision para sa sinisimulan niyong pamilya. Laging magpakumbaba, wag hayaang manaig lagi yung pride, sa pagkakataon ngayon kailangan maging matured sa lahat ng gagawin. Isipin niyong may anak kayo, kawawa ang bata kung laging padalos dalos ang mga gagawing desisyon sa buhay. Pero sana sa susunod kung may di pagkakasunduan, ayusin niyo muna ng kayo lang dalawa, wala munang uuwi sa kanya kanyang bahay.
Momshie total cutoff mo na siya sa buhay mo at ng baby mo. Kapal ng mukha niya siya pa may lakas ng loob na mangiwan and magsabi na di na mababalik yung dati. Ipakita mo sakanya na hindi nyo siya kailangan, go to your family momshie, need mo support nila ngayon. Pakatatag ka for yourself and for your baby. Hindi kawalan mga ganyang klase ng lalaki, marerealize mo din yan pag nagtagal momshie. Kaya mo yan.
Kung hindi man siya babalik kawalan na niya Yun, Hindi Mo kawalan.isipin Mo nalang ang baby Mo, focus ka nalang Sa pagbubuntis Mo. Mas mabuti na Yung ikaw nalang mag Isa mag taguyod Sa anak Mo kesa makasama ang lalaking irresponsible . Pray ka lagi mommy na gabayan ka ng panginoon. God bless 🙏🙏😊
Sis huwag mo na panghinayangan ang ganung lalaki, maswerte ka pa rin dahil hanggang maaga ay nakilala mo ang tunay nyang kulay. Basta focus ka lang sa baby mo, ingatan mo ang sarili mo para sa baby mo. He doesn't deserve you. Makakaraos ka rin, may awa ang Dios.
Pag nag aaway kami ng bf ko dati noong buntis ako Mas iniisip ko na lang mga plano ko para samin ni baby :) Kung paano ko sya aalagaan Na si baby yung binigay sakin ni Lord sa lahat ng dasal ko Etc. Etc
Mas pagtuunan mo ng pansin baby mo kaysa sa mga problema Kasi si baby mo na yung ibinigay sayo ni Lord na magmamahal sayo forever :)
Yay! Ka-excite naman malaman gender nya! If ever you need someone to talk, im always here lang sis :)
Pagsubok lang yan momsh Lahat naman ng relasyon dumadaan sa ganyan Pero wag ka muna magpakastress dun Mas isipin mo si baby mo
😭😭😭
Hayaan mo sis sya naman ang nawalan atleast sayo ang baby mo
Zachariah