Yellowish Eyes
Mga momsh 10 days na si LO and sobrang dilaw parin nya esp yung eyes lagi naman syang napapaarawan. Normal lang po ba ito? TIA.#advicepls #pleasehelp
normally ma'am 2-3weeks po ung normal bago po tuluyan mawala ung paninilaw..ung baby ko din noon 7 days sia nung nag Bilirubin Test kami sbi ksi ng pedia nia madilaw nga daw sia.. so ang gusto nia gawin at araw2 ko ipatest baby ko ksi pag pataas daw ung value possible umakyat sa brain ni Baby. .awa ng Diyos tyagaan lng tlaga s pagbilad sa araw at padede lng ng padede ksi sumasama naman sa poop at pee ung yellowish na un 🙏🙏🙏
Đọc thêmif hindi kaya mawala sa paaraw sa morning, try to consult your pedia, baka irefer sya for phototherapy. Ganun ginawa sa LO ko, after ko syang ipanganak, nakita na madilaw sya due to mild jaundice. 24-36hrs syang pinaphototherapy sa hospital habang nagrerecover ako from CS.
mommy ganyan den po si baby girl ko date . ang ginawa ko po ay pinapatakan ko po yung mata nya nang gatas ko every morning tas pinupunasan ko den po ang muka nya nang gatas ko den . effective naman po sya 😊😊
painumin nyo po mommy ng tiki tiki ganyan po si baby ko dati nung 3days plang sya pag labas namin sa ospital pinainom ko sya ng tiki tiki normal lng po sa baby yan tpos sbyan nyo na din po paarawan twing umaga
hello mommy, after ng delivery ko mommy ganito yung baby ko pagka uwi namin sa bahay pinatake ko ng tiki-tiki si baby tsaka bilad na rin sa araw every morning 1 week lang wala na yellowish nya
salamat po
si baby ko din ganyan nung nilabas ko kaya 1 week sya nag antibiotic 😔 pero depende yan kung wala naman inpeksyon siguro sipagan mo lang sa paaraw mamsh yun talaga ang nakatulong sa anak ko
kapag ang jaundice or paninilaw lumabas within 24 hours after ipanganak..need tlaga mag antibiotic nyan momsh..
consult pedia na po momsh.. nakakaworry ung yellow eyes baka may iba pa dahilan or need macheck kay baby bakit ganyan.. God bless you little angel.
Yung pamangkin ko before ganyan, lagi pinapaarawan pero may weekly check up din at may gamot na pinapainom. Sana maging okay din yung baby mo mamsh.
thank you po❤
consult your pedia po mommy ksi mukang super dilaw pa rin ng eyes nya, dapat po ksi naglelessen yang paninilaw nya after a week ng pagpapa-araw.
thank you po❤
ganyan din yung baby ko pagkasilang sabi ni doc normal sa newborn mostly sa nababasa ko it takes weeks bago nawawala.. bfeed po ba kayo?
thank you, yes pure bf kami and malakas din syang dumede