Still Working..
Mga moms sino po dito mga nag wowork parin kahit buntis... ako 5months preg 1st time mom. Dipo ba risky? Lalo nat na byahe tapos pagod minsan? nabahala lang ako kc yung bestfriend ng kapatid ko 6mnths preg sya.. working din tapos nawalan ng heartbeat??
Depende nmn sis kng hindi k maselan, 1st baby ko nagwwork p ko tpos meron p ko sideline after ofc, ngagawa ko p meet up s mga client ko s perfume, pumasok p dn ako n d ko alam n nagllabor n pla ko, nung gabi dn n un nagpunta n kme hospital then madaling araw lumabas n c baby😊 ngaun 2nd baby ko 3mos plang pinag indefinite leave n ko ob ko, naging maselan kc ko, till now bahay pdn by next year n ko balik work😁
Đọc thêmAko din. 8 months preggy pero napasok pa rin. Cavite to Makati. Minsan mahirap kasi nasakit ang balakang, lalo na kapag umuulan, o matinding init. Tapos ngayon dumagdag pa ang traffic sa SLEX. Sa bus na ako natutulog minsan. 🤣pero ok naman si baby. Super likot nga kapag nasa byahe, dun ko sya lalo nararamdaman kaya kahit mahirap, tyinatyaga ko kasi parang nageenjoy din si baby sa byahe. Hahaha
Đọc thêmWag lang pa stress.. tsaka kung malayo byahe from house to work, better mag ingat na lang. Ngayon lang ako nagtrabaho ng buntis ako. Kung kelan 5months na. Pero office lang naman and own business. Pero stress pa din. Nakakatakot kasi baka malaglagan din ako. Kaya doble ingat na lang sating mga working moms.
Đọc thêm1st time mom din po ako . Nag wwork din . Frontliner pa ako . Like madalas nkaka init ng ulo p ung ulo ang mga clients nakakairita pa ung trainee n kasama ko . Mahina kapit ni baby sabi ni doc . Pero im still working pa din . Siguro ang depende sa selan ng pag bbuntis if ttuloy ka or not . 😊
Depende kasi. Ako, ON and OFF sa work. First tri ko nag leave ako, Ngayon naka leave na naman ako for 1week, high risk kasi ako. 24weeks now. Praying na healthy kami and maka survive kami. ❤️❤️❤️
Ako po working pero nag stop na ako nung nag 39 weeks ako. Di naman risky for me since very active ako. You might want to check with ur ob first para malaman mo kung kaya ng katawan mo.
Nag work ako until 8 mos tummy ko.. ask ka nalang sa ob mo if okay lang kase if ever sobrang pagod ng work mo may binibigay naman na gamot. Ako kase nasa office lang nung time na yun
Ako po work padin im 12weeks pregnant, kasi ako di nmn dn ako maselan d ako nagsusuka kahit field ang work ko, byahe ganun. Ok namn
ako po. nakakapagod pero pag uwi sa bahay pahinga talaga agad kasi masakit likod ko sa byahe.. di naman maselan kaya work work work pa
Me po until 36wks then gave birth 37wks 😂 Kung hindi pa ako sinabihan ng mga frnds & family ko na magpahinga na di pako maglleave.