#TeamJune

Hello Mga moms .. share ko Lang baby ko today is 5days kahapon lang nka uwi ng bahay . June 30 2020 Emegerncy Cs ako kc diba nagppost ako dito kung safe pa rin ba hintayin ang duedate ko na July 06? kahit 9mons na tyan ko ? June 30 10am nagpunta ako sa hospital ksama ko midwife ko kc dapat sa ly-in ako manganganak ee pagka IE skin ni Midwife sarado pa daw servix ko so i decide and my husband na punta kme sa hospital na inofer skin ng midwife ko actually wala ako records sa hospital . so nung andun nko pagka IE ulit skin ng doctor . she said "kelan kpa nagkaroon ng spotting?" then na shock ako kc wala nmn ako spotting wala nga ako sign na naglalabor or what ee .. so sbe ko kay doc. ngaun lang po yan doc, kc kanina pagka IE skin ni midwife wala nmn tapos sarado pa daw then kinausap ni doc. si midwife na kelngan na daw ako iCS becoz naubusan na daw pla ako ng panubigan .. una diko alam na iCCs na pla ako kaya i said "doc ask ko lang mannormal ba ako o Cs po?" sabe nya "Manonormal mo nmn kung hhintayin mo duedate mo, kaso naubusan kna ng panubigan dekikado na yan sa baby baka pag hinintay mo pa duedate mo baka makakain na ng poops nya yan ." syempre ako natakot kaya sabe ko doc. kung ano ang ikakabuti ng baby ko kahit ano basta healthy sya .. so ayun na CS deliver ako . name ng Baby ko is "AizenHiro A. Garcia" 3.8kilos and 2:05pm ko sya nailabas and thank god kc healthy si baby kaya rin daw ako na Cs kc di na rin kaya sa sobrang laki nya 🤗😇👼🏻🙏🏻 so ngaun iniinda ko ang tahi ko ngaun kahit pinag bbed rest nila ako piniplit ko pa rin tumayo makarga ko lang baby ko kase wala mag aasikaso sknya kundi ako byenan ko matanda na di nya na kaya kapatid ko nmn lalaki di nya alam pano magpalit diaper , natatkot daw hehehe kaya karga karga lang alam ng kapatid ko .. so ngaun nmn medyu may konting kirot lang nmn na nrrmdamn ko .. sana gumaling na tahi ko so yun lang po ang aking kwento na masshare sa inyu .. salamat sa mga nagcomment sa bawat post ko hehehe . 👼🏻😇🤗😘 sa mga mommies na manganganak plang gudluck po sa inyu .. thank you and GodBless To us ..!! 🤗🙏🏻❤️😘👼🏻

37 Các câu trả lời

Momsh tanong kolang kasi yung sakin 3cm na ko kagabi tapos dina ko pinauwi under observation ako kasi sabi ko sa ob ko may lumalabas na sakin na kulay yellow na basa basa maya maya yun, kaya maya maya ako palit panty, tapks kinaumagahan knina, stock parin sa 3cm kaya nagdecide ako na unuwi muna kasi malapit lang naman lying in samin, tapks kagabi nung di pako pinapauwi wala pako nararamdaman na masakit sakin, pero ngayong gabi medyo nakakaramdam nako skit kaso lang pawalawala sya, hindi pa sya tuloy tuloy

kelan ba duedate mo moms ??? dapat magpa induce kna lang kung ganyan nasa 3cm kna pla ako nga wala cm cm skin ee ewan ko ba basta yellow means din na basa basa nalabas skin pag ni I-IE ako ni midwife sabe sarado pa daw pero manipis na ung servics ko ee wala pa daw cm un pag nagopen servicx na daw dun plang mllmn kung ilang cm na . kaso wala ee kya wala ako sign tlga

Oo sis pilitin mong tumayo at maglakad lakad para mas madali ang paghealing mo. .wag ka lang talga magbuhat ng mabibigat. . congrats po sa inyo ni hubby mo. .thank God at safe kayo ni baby mo. .

salamat sis .. sana nga gumaling na tahi ko kc need ako ng baby ko tlga hinahanap hanap nya amoy ko ee bihira ko lang sya kargahin pero oag nagpapalinis sknya palit diaper ako un lang

Cs din me pero si baby naman tumae na sya dapat normal delivery din ako eh kaso emergency na tas di masakit labor ko konti lang pero kaya ko naman kaya akala ko manonormal ko lang

Opo nakakain sya pero ngayon okay na sya nag antibiotic nga lang sya mga 7 days sya ganon kaya natagalan kame sa hospital sobrang sakit talaga ng cs di ko akalain na cs ako kase kaya ko naman inormal kaso ayun nga nag poop na sya sa awa ng diyos nakaraos din at kinaya naman ☺

Very cute n baby m sulit ang hirap na pinag dadaanan natin..godbless u more ako sa oct 31 to nov 12 pa..

gudluck sau sis .. kaya mo yan heehe

VIP Member

Congrats.. :) Palakas ka at wag maxado mgkikilos.. Hinay lng pra okay lng ang tahi mo momsh!

salamat po .. kya nga ee dahan dahan ako babangon tas pag lalakad ako pakuba sa kirot kc

Super Mum

Hello baby! Ang cute mo... anyway mommy, di mo ba namalayan na nglleak na waterbag mo po?

wala , wala po ko sign or nrrmdaman na nag lleak na waterbag ko basta 9mons na tyan ko wala pako sign ee duedate ko july 06 nattkot ako baka makakain ng poops nya dba kaya punta kme sa hospital dun ako nagpa 2nd opinyon and ni IE nila ako dun ko nlman lahat naiyak pa nga ako kc makkita ko na baby ko pero cs ako expect ko tlga normal ko sya mailalabas .pero ok na rin to salamat

Mag binder ka para makakilos ka ng maayos. Medyo sikipan mo para di ka worry gumalaw.

Oo pwede naman, dampi dampi lang din ng betadine sa tahi mo. Tapos takpan mo ng gasa.

Pano naubos yung panubigan mamsh? Di nyo po napansin na lumabas na po panubigan nyo?

hindi wala nmn tumulo sa pnty ko or lumbas mismo sa pwerta ki ang tubig basta mayat maya ako ihi tas gripo na ung ihi ko dami ganun lang

Congrats mumsh buti na nasa maayos kayo na lagay .. Ang cute po ng baby mo 💕

salamat po .. kya nga po thank god kc ok kme dalawa healthy nmn .

Congrats mommy.. if you don't mind, magkano inabot sa hosp bill ?

actually total bill ko is 65k plus ee may phil. ako kaya naging 47,145 po private ung hospital bukod kc higaan ni baby ko sa higaan ko package na po un skin solo room

Câu hỏi phổ biến