Congratulations and good luck on your studies, mommy. Para naman po sakin, kahit ano po maging decision nyo, whether to continue your studies at mawalay kay baby, or delay studies and be with baby, both ay may mga pros and cons, and you'll be faced with a dilemma. There's really no right or wrong, only what you believe is for the best for you and your family.
Choosing between the father of your child, your parents and a yaya, ikaw ang mas nakakaalam sino ang more suited mag-alaga sa anak mo na mapagkakatiwalaan mo rin. Kung natatakot ka na malayo ang loob ng anak mo sayo, that's one of the cons talaga. Pero may mababasa ka rin namang storya dito ng mga working moms na nalulungkot dahil mas malapit ang loob ng babies nila sa kanilang lola o yaya kahit araw-araw sila nagkikita.
Personally, I don't think it's wrong na mapalapit sya sa ama nya, specially if you believe that he's a good man. Growing up with only our mom, as our dad was an ofw since I was 5 until I turned 34, hindi naman nalayo loob namin sa kanya. Our mom made sure to make us understand why our father isn't with us and the sacrifices he's actually making for us. So kung mabubuting tao ang mapag-iiwanan mo ng anak mo at hindi "lalasunin" ang kanyang pag-iisip, then you don't have to worry much lalo na at kung magkikita at magkakausap pa rin naman kayo nang madalas. Partida pa dahil sa technology ngayon, unlike dati, sa telepono na once a week (at most) lng namin makausap ang tatay namin noon.
Basta para sakin, only if 100% ang tiwala mo dun sa mapag-iiwanan mo kay baby, saka ka lng umalis. Trust your mother's instincts na lng din.
Good luck and God bless!