MANALO NG 200 APP POINTS WHEN YOU COMMENT YOUR ADVICE ON OUR MINI CHALLENGE! 🎉
*NA-NOTIFY NA ANG WINNERS VIA COMMENTS BELOW* Hi mga moms, dahil papalapit na ang pagtatapos ng taon, MAS GENEROUS ANG ATING MINI CHALLENGE THIS WEEK! WIN 200 APP POINTS WHEN YOU PARTICIPATE IN THE COMMENTS! Simple lang ang gagawin: Sasagutin nyo lang: ANO ANG PINAGPAPASALAMAT MO THIS 2024? ❗️Tandaan: You can use the points to redeem rewards or discount vouchers available dito sa app. Best comment WINS! Winner will be announced on Monday, December 16, tapos we'll reply to the winner's response! Good luck, moms!!! 🎁
This January 2024 kami ikinasal ng asawa ko, and sa kanya pa lang super thankful na ako dahil napaka buti nya sa akin in all aspects. I'm turning 30 in a few months that time and syempre expected after ng marriage is pregnancy which is open kami ni hubby. I don't usually track my menstruation cycles way back pero regular ako nag kakaroon but starting February I made a tracker on my calendar. February and March have passed and I realised it wasn't as easy as I imagined. I'm not saying I was losing my hope but of course I can't hide my frustration. Told my mom friends that I thought it was easy. April came and it's summer time. The time where our company will have its summer event. There's a liquor game and I enlisted myself ( I seldom drink and ask for my husband's permission). Before the event I realised that my monthly menstruation will come. A few days have passed and I told my friend about it. She had assumptions but I still wanted to wait for atleast over a week to make sure. 2 days before the event I asked my husband to buy a pregnancy kit. It was POSITIVE!!! And it was unexpected 🩷 I told this to our co worker to unlist myself from the liquor game 😅 It's the month I'm about to give birth to our Baby girl and I've never been so Happy and Thankful that I'm so blessed to have my Husband and Baby 🩷 To experience carrying and caring for our baby in my womb is the start of loving her forever. We can't wait to see her 🩷 Please pray for my safe delivery 🩷🙏
Đọc thêmI lost my first born, my daughter this year lang ng March. I miscarried my 2 babies din nung May at August. I suffered a lot this year. I dont know if tama bang magpasalamat ako kay Lord kasi matatapos ang taon na nalagpasan ko lahat. Kahit paghinga na lang ang ginagawa ko bawat araw ang mahalaga nairaos ko ang taon na puno ng pagsubok. Pero kung may ipagpapasalamat man ako kay Lord, yun ay yung pagbibigay nya ng bagong pag asa para sakin. I am currently 3months pregnant at sana i guide nya ang pregnancy journey ko sa kabila ng tampo at mga tanong ko sa kanya.
Đọc thêmPinagpapasalamat ko this 2024 is the growth as a parent, lumalaki ang mga anak ko and hindi lang sila ang natututo pati kami ng Dad nila patuloy na natuto sa kanila. This app also been my guide and libangan before when I was pregnant with my baby girl na ngayon ay 1yo na 🥰 I couldn’t believe na magiging active ulit ako sa app na to before mag palit ng taon 😅 I found out recently na we will be having another bundle of joy next year 🥹 God is really an amazing God!
Đọc thêmSobrang pasasalamat ko kay Lord na palagi Niya kaming iniingatan. Marami mang pagsubok na dumating ngayong taong 2024, kumpleto pa rin ang aking pamilya. Maraming pagkakataon din na muntikan na akong sumuko pero meron talagang mga tao na ipinapadala sa aking upang tumulong, makinig, at magbigay ng pag asa. Naiiyak na lang ako na matatapos na ang taong ito na puno ng pag asang darating ang mas magandang bagong taon para sa akin at sa pamilya ko.
Đọc thêmAng pinagpapasalamat ko this 2024 is madaming blessings na dumating sa aming buhay especially yung Dati hikahos kami pero dahil sa tulong ng Diyos di nya kami pinabayaan at napag tagumpayan namin ang mga bagay-bagay. At pinagpapasalamat ko din na ngkaroon kami ng blessing na 2nd bby naging inspirasyon namin sila ng anak ko para maging pursigido kami sa buhay 😇💗
Đọc thêmThank you 2024 because you bring out the version of myself that I never imagined that I can pull it off, it is to be a wife and a mom. It might not be easy but it is so fulfilling to me knowing that my husband and baby filled me with so much love, alongside with our families and friends who are there to guide and celebrate this milestone with us.
Đọc thêmMadami akong ipinagpapasalamat ngayong 2024!Unang una ang pagiging matatag naming mag asawa as LDR!Masasabi kong nalagpasan namin ang stage na malayo kami sa isa’t-isa.Ang pagiging matatag ko sa pag aalaga ng aking mga anak at ang suporta ng mga taong nakapaligid sa akin.At ang good health ang aking pamilya.Mga lesson in life and wisdom.
Đọc thêmNagpapasalamat ako sa buhay na bigay ng may likha, na malusog kaming mag ina, may trabaho, tahanan at anumang pagsubok alam kong hindi ako iiwan ng lumikha. Sa mga kamag anak, kaibigan at mga kakilala na nagpapalakas ng loob ko. Sounds cheesey but these are the things I am really grateful for. 🤍
pinagpapasalamat ko at buo ang pamilya ko may nakakain kami sa araw araw. yung health po namin pinagpapasalamat ko na kahit papano kung may daanan mqn na sakit ay kaya magamot at may pambili nito. sana lahat ng tao ay makaranas ng di man marangya na buhay pero comfortable. 🩷
Ipinagpapasalamat ko na hindi man plan ang pregnancy, napaka-supportive ng mga taong nakapaligid sakin especially may partner. And thankful din dahil so far so good naman si baby sa loob. No complications and all as per CAS test. Praying na tuloy-tuloy 😊
Household goddess of 1 naughty prince