8 Các câu trả lời

Sis, 2 years old palang anak mo. Kung ako sayo umuwi nalang kayo sa side mo. Kahit na anong utang na loob pa yan. Kung sinasaktan ka ng partner mo or binubugbog ka, pamedico legal ka always, para pag umalis kayo, wala siyang maipangbabanta sayo. Kagaya nga ng sinabi ko, 2 years old palang anak mo sis. Wag mo hayaang lumaki sa ganyang environment anak mo. Kasi pag nagkaisip anak mo pati siya matrautrauma. It's either maadopt niya ugali ng tatay niya or matratrauma siya. Not good environment for a child. And kung aalis po kayo, much better ngayon na hindi pa pala tanong ang bata at below 7 years of age pa, para walang laban sa custody ang tatay.

Domestic violence is a no-no. Isang pitik lang, pwede mong ikamatay. Kawawa naman ang baby mo. Pag sinaktan ka ulit, pamedicolegal ka. Punta ka sa kahit anong pampublikong hospital para madocument. Tapos punta ka ng womens desk sa police station. File ka ng report at hingi ka na rin ng tulong. Meron mga kumukupkop na shelters para sa mga tulad mong biktima ng domestic violence. Sa DSWD ka lumapit. Hindi titigil iyan pangaabuso sa iyo kundi ka aalis. Parang gulong iyan. Ngayon araw, malambing sa iyo, bukas sinasaktan ka. Tapos aamuin ka na naman tapos sasaktan ka ulit. Mas kawawa ang anak mo kung mauulila siya sa ina.

know your worth sis, yan ang magiging kalaban mo pamilya nya kaya dapat wag kang pala asa dyan sa mister mong abusado, di porket nanay na tayo hanggang dun na lang, mangarap ka pa rin sis and trust God palagi. Kung ako nasa sitwasyon iiwanan ko na yan kung nanakit na at uuwi sa amin, tutulungan ka naman ng mama mo magsimula mula kailangan mo lang ng lakas ng loob, maniwala kang kaya mo buhayin ang mga anak mo kahit wala sya ok?

salamat sis

Pag ganyan sis uwi ka muna sa parents mo. Emotional trauma mararanasan mo sa partner mo. Bababa p tingin mo sa sarili mo. Iwan mo wala syang respeto sayo. Mahirap kasama ang lalakeng lagi kang susumbatan at pagsasabihan ng di maganda. Hindi healthy

sunduin po ako ng mama ko mga sis salamat sa pag unawa nyo sakin totoo po sobrang baba na po ng tingin ko sa sarili ko piling ko ang liit na ng tingin ko sa sarili ko

Yes. Buti naman at may nanay ka naman pala. Pablotter ka na rin po

Love yourself mamsh. Buntis ka tapos sinasaktan ka pa. Kawawa din yung mga baby mo sa tummy at yung isa mo pang anak kapag may nangyare sayo.

Reklamo mo sis sa women's desk. Walang sapat na dahilan para ganyanin ka.

Kasal po ba kayo ng tatay ng mga anak mo?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan