Asking and good advice
Mga mommy,nagpacheck KC ako knina sa OB ko. Sabi nya 6weeks na Ang pregnant,kasu mga mommy nung ultrasound na walang heartbeat Ang baby?then babalik ako next saturday.masakit na masakit Yung Sabi Ng OB na if ever na Wala paring heartbeat c baby next Saturday,xbi nya patay na Yung baby???may magkarun po ba Ng ganitung history.pa advice ako mga mommy. Masakit KC pang 2 baby ko na Sana tuh,Yung una nkunan din ako nung 3months palang be last 2018 ??????
Ako nakunan last year, 7weeks nung nagpa-transv ako and found out walang heartbeat si baby. I tried to wait it out kaso my body tells me na patay talaga si baby like i have cramps, may brown discharge ako with foul smell, tapos unti unti nawawala pregnancy symptoms ko. If naeexperience mo na yan mommy, ayun na ang sign :( pero let's pray na after 2 weeks may heartbeat na siya.
Đọc thêmako din 6 weeks na po pero nung nagpa ultrasound ako kanina muntikan pa di makita yung baby sa loob kasi di lumabas pero nung tumagal nakita na din siya tas may heart beat na siya nakita ko din pumipitik sa loob na maliit 😊wag ka po kabahan sis baka sa susunod na balik mo makita na heart beat ni baby mo .
Đọc thêm6 weeks ako nung lumabas result ng transvi, pero may heartbeat na sya. Early pregnancy pa yon kung tutuusin kaya ganon din siguro sayo mommy, yun nga lang magkaka iba kasi tayo. Hindi tayo pareho ng katawan at hindi pareho ang nangyayaring miracle sa katawan natin. Wait lang po tayo and mag pray palagi.
Đọc thêmSame...6weeks din aq nung magpa transv.with good cardiac activity..pray kalang sis ...
Ako po nagpa trans V nung 6 weeks. No heartbeat,no yolk sac. Then pinainom ako ni OB ng aspirin for 10 days para daw po sa flow ng dugo papunta kay baby. After 10 days, ultrasound ulit. May heartbeat na po sya. No im 37weeks na. Waiting for my baby to come out. Pray lang, mommy.
Too soon pa po siguro momsh para madetect. Just pray lang, think positive. Ako kasi hindi nagpaganyan nung mga ilang weeks pa lang si baby. Pero tiwala lang ako na buntis talaga ako mga 2 months ako ngpaultrasound at yun nga confirm na. Wag ka mawalan ng pag-asa. ❤️🙏
Same po tayo. Jan 23 6 weeks din no cardiac activity. Pag balik ko after a week totally wala na po yung embryo. Pang second baby ko din po sana, we waited nalang po na kusa siya mag pass out. Kaka raspa lang po sakin nung martes (feb 19). Pray ka lang mamsh.
Ako po ganyan din 8weeks na sya nun then wala din HB, Sabi ng Ob if gusto ko mag hintay pa ng ilang weeks, then pag dating ng ika 11 weeks humilab na Yun Tyan ko then na miscarriage na ako Bale 3weeks pa na nag stay si baby sa tyan ko kahit wala na sya...
Keep on praying po take folic acid nakakahelp din po iyon sa development ng baby while waiting sa susunod na ultrasound, huwag po mastress. Magiging okay din po yan! Masyado pa pong maaga ang 6weeks usually 8-9weeks talaga nakikita heartbeat ni baby.
Grabe un OB mo ha. Same case sakin pero dahil siguro normal lang sabi nya sakin pregnant ka ha take ka vitamins tapos ulitin natin. Wag ka madedepress. Kaya di ako nagpalit ng OB yung iba kasi walang kapuso puso. After two weeks may heartbeat na yan
Relax ka lang mamsh. Wag masyado mag isip. Masyado pa naman maaga eh. Pray lang at mag rest para magtuloy tuloy si baby. Ako nung first check up ko 5w6d gestational sac lang ni wala pa embryo. Kahapon nagpa ultrasound ako 10w4d na si baby.