Urine ni Baby

Hi mga mommy.ask lang po. 3 day old si baby Breast feeding gnito kasi ung ichura ng urine nya. normal lang ba ito?

Urine ni Baby
10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Magandang hapon! Ang init!!! Marami pong mga magulang ang nagmemessage po sa akin tungkol sa kulay pink o orange na mantsa sa diaper ng babies nila tuwing iihi. Halos lahat sa kanila ay hindi naman nanghihina, malakas pa rin magbreastfeed at hindi nilalagnat. Maaaring ang stain na ito ay mga "urate crystals" na meron naman talaga sa ihi ng babies pero mas nakikita lamang ito kung concentrated ang ihi. Dehydrated? Maaari. Dahil sa init ng panahon, madalas pagpawisan ang baby, mas kailangan nilang dalasan ang fluid intake. Ibig sabihin, si mommy kailangan mas dalasan ang pagbreastfeed kay baby, at damihan ang pag-inom at pagkain ni Mommy. Kailangan ba dalhin sa ospital? Kung masigla po si baby, hindi nilalagnat at umiihi po 6x a day, hindi kailangan. Kailangan ng urinalysis? Observe lang muna. Kailangan na ba magformula? Hindi po. Ang breastmilk po ng ina ay at least 80% water kaya much better pa rin po anf breastfeeding. Kung more than 6 months old, na ang baby, pwede na ng kaunting water pangtulong. Kung hindi pa rin mawala ang stain kahit madami na fluids at nilalagnat si baby, paunti unti ang ihi, saka makipagugnayan sa doktor for a urinalysis. Ano ang mas malalang senyales ng dehydration na kailangan dalhin sa ospital? Kahit ano dito: 1. Walang ihi sa loob ng 6 na oras. 2. Irritable o walang malay ang bata. 3. Uhaw na uhaw si baby at irritable 4. Walang luha, malalim ang mata at tuyong tuyo ang loob ng bibig. Kapag ganito, ipagbigay alam sa pinakamalapit na ospital para madala sa ligtas na ER. Magbigay ng ORS (oral rehydration solution) habang naghihintay sa pagpunta sa ospital (magtanong online sa doctor na maaring makatulong sa dosage).

Đọc thêm

Naglilinis po yan sa katawan nya.magandang senyales pati po sa popo nya...ang alam ko po yung mga nakaen nya yan sa loob nung nasa tyan siya.tsaka aware din po kayu sa kinakaen nyo momi..

Parang brick dust urine po yan mamsh which is normal lang naman sa mga newborn. Kung may actual blood na yan ang hindi normal mamsh at kailangan nyong magpatingin sa pedia.

Super Mom

Pabreastfeed niyo po si baby mommy😊 masyado lang po concentrated yung weewee niya.. Inom ka din po maraming water😊

Thành viên VIP

Ganyan din wiwi ng baby ko nung pinanganak ko parang may halong dugo pero ilang araw din ang lumipas nawala rin po siya

Super Mom

Frequent breastfeeding nyo lang po si baby mommy para hindi sobrang concentrated ng wiwi nya

ganyan din ung sa baby ko ngaun.. 2days old nakakatakot parang may blood..

Dehydrated sya. Try nyo po magpump para macheck kung sapat yung milk

5y trước

Wag ganun momshie. Wag mo iapply sa app yung pagka squammy mo. Maganda breastfeeding pero sad reality, di naman talaga lahat tulad nyo na nabiyayaan ng milk. Di naman porke may pinaninindigan tayo e mangaaway tayo ng ibang may iba ding paniniwala. Okay na momshie kanya kanya naman yan di nako papatol. Next time nalang wag masyado G na G makipagtalo hehe.

Pati po sakin

Up