...
Mga mommy, totoo po ba na kapag happy and stress free ang nagbubuntis hindi magiging iyakin si baby pag labas? Hehe. At kapag naman daw emotional madalas si mommy magiging iyakin si baby? Yun kasi sabi ng mama ko?
Hehhe for me its myth, kahit di pa nalabas si baby ko feeling ko ung pgiging iyakin normal nmn sa baby.. Hehehe.. Minsan tlga di ntin mapipigil sarili natin umiyak or malungkot dala un ng hormonal imbalance natin kapg preggy po. Much better if mapipigilan n maging happy and be stress free para iwas kumplikasyon sa pagbubuntis. 😊
Đọc thêmhindi totoo yun sis, puro sama ng loob binigay saakin nung buntis ako, pero di naman iyakin anak ko and sobrang cheerful pa. Pero dapat happy ka pa din lagi kasi iba ang glow ng masayahing mommy and para mas healthy si baby,sabi nga di doc "a happy mommy is a happy and healthy baby"
Di PO..depende po un Kung pano mo sasanayin si baby.. pag nasanay syang karga lagi,iiyak Yan pag nilapag mo, pag nasanay NG hele pag natutulog, mahirap ilapag iiyak pag nagicng.. genern on my experience mamsh..
parang hindi naman sya totoo mommy kasi si baby magiging iyakin talaga lalo na pag kakapanganak palang dahil naninibago sya sa environment nya, pero much better talaga kung stress free at masaya ka
Kung ano pong nararamdaman natin, nararamdaman din daw po ni baby yun so better kung masaya tayo at stress free para positive feelings lang ang maramdaman ni baby. 🙂
hindi naman po totoo yan normal sa buntis ang emotional..ako noon madalas umiyak malungkot pero paglabas ng baby ko hanggang ngayon napaka bungisngis na bata
sa experince kupo sa Una Kung baby Stress ako dati At laging akong umiiyak . tapos paglabs ng baby ko sobrng iyakin nya as in halos Gabi gabi puyat
Sabi din sakin yan. Very emotional ako nung buntis ako 😁 pero nung lumabas naman si baby ko happy baby siya laging nakatawa. Nakakagoodvibes lang.
Not true! Stressful ung pregnancy ko and palagi ako umiiyak nuon. Pero sobrang bungisngis ng baby ko ngayon 😊 prayer works!
Not sure sis hehe ftm din ako. Pero as much as possible talaga dapat lagi tayo happy and stress free para ganun din si baby❤
Nurturer of 2 playful boy