Praying for my Baby Heartbeat 🙏🏼🙏🏼

Hi Mga Mommy tanong ko lang sobrang stress at praning ko na talaga. Palagi na ako umiiyak feeling ko nararamdaman din ng Baby ko. 😭😭 Marami nag sasabi sakin na pag nabuntis ka wag sasabihin sa Kakilala or sa Family mo na buntis ka. Kase mauudlot daw at mawawala 😔🙏🏼 For me kase isa sila sa mga nag dasal para makag kababy kami ng asawa ko so, kasama sila sa journey ng baby ko. Lalo na sila yung mga taong nag mamahal samin. March 22-26 ang last menstruation ko. May 05,2022 Nag desisyon na ako na mag papaalaga na ako sa Ob kase baka may problem na sa obarya ko. Nag try ako mag PT May 6, 2022 ng 6:30am. Nag positive pero malabo katulad ng last year kaya naiiyak ako kase kung ibibigay talaga ni Lord ibibigay na nya samin. May 6 same day na nag PT ako schedule ko for transV. Yes 🙏🏼🙏🏼 may nakitang Baby skin result at 5weeks and 1day na sya. So dahil wala Yolk sac at HB. Pinababalik ulit ako ng Ob ko ng 2week for another TransV at mga Lab test sa Blood at urine ko. May 19 yes 2weeks nasa 7weeks na si baby sa tummy ko sempre ang susundin kung count yung sa TransV result. Kinakabahan ako ulit pag pasok ko. Habang sinisimulan ng Radiologist ang pag transv skin wala syang makita heartbeat 😭🙏🏼 Naiyak ako sobra pero sabi nya may Lumaki daw si Baby at my yolk sac na din sya. Never ako dinugo or any color ng bleeding. Lahat ng result ko sa Urine sa Blood sa lahat normal. Thank you Lord. Kaso yung Hb ni Baby is wala so naging result dahil may Embryo at sac. 6week and 2days na ako pregnant dahil baka daw maaga yung pag transv ko at nag kamali sa pag count. Though alam ko naman tlaga kase nga gumagamit ako ng flo since last year at doon ako nag babase. May 24, bumalik ako sa Ob sabi good daw yun mga result ko. Pero yung sa heartbeat ni Baby sya nagulat dahil wala. Sabi ng Ob ko iready ko daw ang sarili ko wag daw ako mag pakastress. Dahil dapat may nakita na daw na HB si baby hanggang sa umiyak na ako. 😭🙏🏼 Sabi nya recommend nya ulit ako for the last time ng Transv after 2weeks if walang makita HB ni Baby. Iemergency raspa nya ako. 😭😭💔 Lalo na ako umiiyak pero sabi ng Ob ko wag ko daw msyado isipin pero sempre di ko naman maiiwasan yun diba. Lalo na sabi ng mga kakilala ko dapat may pintig ka daw nanaramdam sa Tummy mo na parang pintig. Kaso wala talaga ako na raramdaman. Pero may mga sintomas ako ng pag bubuntis. Naduduwal, tirediness, sumasakit ang breast, craving and bloated. At lalong walang bleeding. Gusto ko lang ishare sa inyo. At humihingi ng Panalangin sa bawat isang makakabasa nito. Isama nyo kami ng Baby ko na nawa mag ka HB sya at ingat kami ng Panginoon. Di ko kayo kila at di nyo rin ako kila. Pero matagal na akong silent reader dito. Na nawa ipag pray nyo kami ng baby ko. Maraming salamat Lalo higit sa Panginoon dahil sya nakaalam ng Plano nya sa aming Pamilya at sa aking Baby. #prayformybaby #firstbaby #firsttimemom #answeredprayer #jesusIsTheGreatestPhysician #ThankYouLordforthegiftofchildren #Jeremiah29/11 #Isaiah1/27 #7weekspreganant

80 Các câu trả lời

Same scenario Po tyo . Na raspa Po ako Wala dn heartbeat baby ko first time mom ako sana dasal ako Ng dasal pero wlang nangyayari ganun talaga pagsubok Po Pray pa din Tayo always . dahil Sabi Ng Doc ko nun mas Nakakasama saten kalusugan o katawan Ang mapanatili si baby sa loob . Mahal Po magpa raspa lalu na pag sa private hospital .

will include you and your baby sa prayers ko. ako dati nung wala pa kinakausap ko si baby, sinasabi ko next check up natin wag ka na mahihiya ah magpakitang gilas ka kay dra. i know too early pa para kausapin pero lagi ko siya kinakausap on my early preg days 😊

hi, momshie Ganyan din result Ng una Kong ultrasound walang Heartbeat si baby pinabalik ako after 2 weeks to confirm Yung pregnancy akala ko regla lang Yun pala bleeding ilang buwan din ako nagpakapit ngayon si baby sobrang likot na Niya Ang EDD ko is Dec. 9. Kaya momshie keep positive lang

God bless you Mommy! Mabuti ang Lord at gagawa Siya ng himala sa buhay niyo. Keep praying because God hears. Sabi nga ng bible bago pa daw tayo matapos manalangin, tinugon na ito ng Diyos. Looking forward na maishare mo dito ang magiging himala ng Lord sa buhay mo at ng baby mo.

tiwala at pagkakatatag Ka mi..mag Kaka heartbeat na Yan si baby mo..Hindi Kayo pababayaan Ng PanginOon.. pray Lang mi..sa susunod na check up mo..may heart beat na Yan si baby🙏🙏🙏 pag pray din kita.pakatatag Ka mi kausapin mo din si baby mo mi..💕💕💕

sending hug momsh.. sana mag ka hb na si baby mo.. pati ako.. 5weeks 4days ako nung nag transv pero bahay bata pa lang daw yun 😥 basta kung ipagkakaloob ipagkakaloob.. kung hindi pa naman sa ngayon.. may tamang panahon po.. keep faith po. God bless ❤️

VIP Member

Ganyan din Po ako ma'am Hanggang pinaabot ko sa 11 weeks na paghihintay hhindi ako dinugo ,o anoman 6 weeks Wala na po heart beat kararaspa ko Lang po April4,2022 po mataba at may PCOS po.This August I'm 4 weeks pregnant po dipa po ako nagpapacheck up.

same tayo mommy, 6weeks preggy na ako pero wala pa rin heartbeat. sabi naman ng on normal lNg daw un, pero may history kasi ako ng blighted pregnancy. (walang embryo ba na nadevelop) pray lang tayo, . balik ako after 2 weeks. hopefuly may heartbeat na.

praying for you and your baby 🙏 magdaSaL ka Lang po Lagi and kauSap kausapin niyo po si Baby 😊 nararamdaman niya preSensiya mo Mommy By Next Transv niyo may HB na Siya tiwaLa Lang sa taaS and Keep Your Faith in Him and in Your Baby ♥️

Mommy wag ka po pastress kausapin mo si Baby, ako non kahit 2 months na di ko din ramdam ung pintug na sinasabi nila. Pero nakapag patransv naman nako non. tiwala at lakas lang po ng loob magdasal at kausapin si baby

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan