Praying for my Baby Heartbeat 🙏🏼🙏🏼

Hi Mga Mommy tanong ko lang sobrang stress at praning ko na talaga. Palagi na ako umiiyak feeling ko nararamdaman din ng Baby ko. 😭😭 Marami nag sasabi sakin na pag nabuntis ka wag sasabihin sa Kakilala or sa Family mo na buntis ka. Kase mauudlot daw at mawawala 😔🙏🏼 For me kase isa sila sa mga nag dasal para makag kababy kami ng asawa ko so, kasama sila sa journey ng baby ko. Lalo na sila yung mga taong nag mamahal samin. March 22-26 ang last menstruation ko. May 05,2022 Nag desisyon na ako na mag papaalaga na ako sa Ob kase baka may problem na sa obarya ko. Nag try ako mag PT May 6, 2022 ng 6:30am. Nag positive pero malabo katulad ng last year kaya naiiyak ako kase kung ibibigay talaga ni Lord ibibigay na nya samin. May 6 same day na nag PT ako schedule ko for transV. Yes 🙏🏼🙏🏼 may nakitang Baby skin result at 5weeks and 1day na sya. So dahil wala Yolk sac at HB. Pinababalik ulit ako ng Ob ko ng 2week for another TransV at mga Lab test sa Blood at urine ko. May 19 yes 2weeks nasa 7weeks na si baby sa tummy ko sempre ang susundin kung count yung sa TransV result. Kinakabahan ako ulit pag pasok ko. Habang sinisimulan ng Radiologist ang pag transv skin wala syang makita heartbeat 😭🙏🏼 Naiyak ako sobra pero sabi nya may Lumaki daw si Baby at my yolk sac na din sya. Never ako dinugo or any color ng bleeding. Lahat ng result ko sa Urine sa Blood sa lahat normal. Thank you Lord. Kaso yung Hb ni Baby is wala so naging result dahil may Embryo at sac. 6week and 2days na ako pregnant dahil baka daw maaga yung pag transv ko at nag kamali sa pag count. Though alam ko naman tlaga kase nga gumagamit ako ng flo since last year at doon ako nag babase. May 24, bumalik ako sa Ob sabi good daw yun mga result ko. Pero yung sa heartbeat ni Baby sya nagulat dahil wala. Sabi ng Ob ko iready ko daw ang sarili ko wag daw ako mag pakastress. Dahil dapat may nakita na daw na HB si baby hanggang sa umiyak na ako. 😭🙏🏼 Sabi nya recommend nya ulit ako for the last time ng Transv after 2weeks if walang makita HB ni Baby. Iemergency raspa nya ako. 😭😭💔 Lalo na ako umiiyak pero sabi ng Ob ko wag ko daw msyado isipin pero sempre di ko naman maiiwasan yun diba. Lalo na sabi ng mga kakilala ko dapat may pintig ka daw nanaramdam sa Tummy mo na parang pintig. Kaso wala talaga ako na raramdaman. Pero may mga sintomas ako ng pag bubuntis. Naduduwal, tirediness, sumasakit ang breast, craving and bloated. At lalong walang bleeding. Gusto ko lang ishare sa inyo. At humihingi ng Panalangin sa bawat isang makakabasa nito. Isama nyo kami ng Baby ko na nawa mag ka HB sya at ingat kami ng Panginoon. Di ko kayo kila at di nyo rin ako kila. Pero matagal na akong silent reader dito. Na nawa ipag pray nyo kami ng baby ko. Maraming salamat Lalo higit sa Panginoon dahil sya nakaalam ng Plano nya sa aming Pamilya at sa aking Baby. #prayformybaby #firstbaby #firsttimemom #answeredprayer #jesusIsTheGreatestPhysician #ThankYouLordforthegiftofchildren #Jeremiah29/11 #Isaiah1/27 #7weekspreganant

Praying for my Baby Heartbeat 🙏🏼🙏🏼
80 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello po ganyan din po halos nangyare saken march 11 2022 napagpacheckup ako 6weeks and 2days kaso walang heartbeat may sign din po ako ng pagbubuntis at malinis walang pagdudugo kaya nagtaka din po ob ko bakit wala heartbeat pinabalik ako after 8weeks pero dko sinunod kase madami nagsabi 12weeks kalimitan nagkakaron kaso after 12 weeks wala padin ang kaibahan lang yung sakin ang read padin is 6weeks ibig sabihin wala talaga improvement babyko kaya kahit sobrang sakit pumayag ako na tanggalin sya sakin . april 14 2022 wala na sya hanggang ngayon umiiyak padin ako kase baby kuyon e kasa nawala . then may30 nagkaron ako . july 3 2022 nagpt ako positive na ulit kaso natakot ako magpa checkup kaya aug.1 ako nagpacheck at sa awa ng Diyos 8weeks nako pregnant at hartbeat na sya . ngayon 3months na sya at wala daw prob sa pagbubuntis ko .. tiwa lang po at pray ka sa AMA na nasa taas walang imposible , darating na susubukan nya tayo pero wagkalang mawawalan ng pagasa ibibigay nya sayo kung anu man hilingin mo sa tamang oras at panahon minsan mas higit pa 🤗😍♥️

Đọc thêm

same po tau ng sitwasyon , 11 weeks n sya ngayon unang trans v ko ay 7 weeks and 6 days walang heartbeat tapos pinabalik ako after 2 weeks , 10weeks n sya nun but still wla pa rin heartbeat 😭 nirecommend nko ng nag trans v sakin na magpunta nako sa hospital , para daw ma check ng doctor mismo sa ob , pero hindi ako pumunta ,😭 kasi alam ko sa sarili ko nararamdaman ko sya , sabi ng mother ko intayin daw muna mag 4 months bago mag check up ulit, kasi wala naman ako nararamdaman na kaiba , hindi naman ako dinudugo at hindi rin nasakit ng severe ang puson ko mild lang, ung parang sec lng wala na .. hoping ako na sana pag pa check up ko ulit may heartbeat na si baby😭 pray at tiwala lng po sa taas.. kasi kapit bahay po namin dito 5 months na tyan nya malaki na pero hindi pa rin mahanap heartbeat un pla nkataob pla ung baby kaya hindi mhanap , hoping ako na ganon din sakin😭

Đọc thêm
2y trước

first time mom din po ako hoping na nagkamali lang ung doctor😭

To All the Mommies who encouraged me and do praying for my Angel Baby. Maraming maraming salamat po. God already give our answered prayer to testified na pwede kaming maging parents anytime and My Angel Baby to be one of His Angels in Heaven. Nakapag pahinga na po for almost a month. Being a first time Mom and a parents for 8weeks was a blessing to us. Thank you Lord for the Strength, Guidance and Unconditional Love. 🥰🙏 Thankyou for having a Angel to watch over us. 🥺👼 Weloveyou so, so much our Little Angel Baby. 😘🥰 In God's perfect time ibabalik ka din ni God samin. Very Very Soon! 🥰💖 Soon Will be our FINALLY ANSWERED PRAYER. 🥰🙏

Đọc thêm
2y trước

Halos same tayo ng nangyari, mommy Yana. I have a toddler na now. Masakit man ang nangyari sa atin, pero magtiwala lang tayo. Ibibigay Niya rin sa tamang panahon. 😊

Sis same na same nangyari satin . Last year february, 4x ako na ultrasound every 2 weeks hinihintay na magka heartbeat si baby. Pero wala nag stop development nya kinailangan ako i raspa. Sobrang sakit di mapaliwanag ang sakit. Matagal ako nakapag move on pero na realize ko may plan si God. Pag hindi pa tamang panahon, at pag tamang panahon na ibibigay nya sayo yun walang makkapigil. Same month this year february. Bumalik ang baby ko unexpected ang sunod sunod na saya na ang nangyari 🥰 bawat check up puro good news , now im 32 weeks malapt na makita si baby. Im sure ganyan din mangyayare sayo sis. Pag time na babalik si baby 😊 praying for you 🙏 sending you baby dust ❤️❤️❤️ cant wait na mabasa next post mo yung baby m na ang popost mo ulit. Godbless

Đọc thêm

Hi Mommy. I will pray for you and you baby po. Wag po kayo mawalan ng pag asa. I had an ectopic pregnancy last year July. And need ng surgery kasama si baby at left fallopian tube ko. As per OB baka mahirapan kaming mag baby ulit ng husband ko, so we need to try ng mas maaga. After ko mag heal 2months after the surgery nag try na kami with OB consent. Nakaka sad pag bigla akong nag kaka period. After 3months of trying, binigyan kami agad ni Lord ng rainbow baby. Now I’m 37weeks, waiting nalang lumabas si baby 🙏🏻 Ang daming struggle nung first 3months ng pregnancy ko, need ko mag resign sa work dahil sobrang risky ng pregnancy ko. Pero pray lang po ng pray kay Lord, may kaylangan man o wala, masarap lumapit kay Lord 🙏🏻

Đọc thêm

pray lng sis ...and stay strong .. ganyan din aq sa 2nd baby q..3months aq preggy sknya..nung una ok heartbeat nya ..pero nung mag 3months na nawala heartbeat nya..at mga ilang days dinugo na din aq..pakatatag ka lng sis...now pang 3rd baby ko ..now puro check up aq..sa ob ..1st trimester till now 2nd trimester umiinom aq ng pampakapit may contraction ksi aq tas may PCOS din aq....still praying pa din aq na sana ibigay na ni GOD smin ito..always nag papakatatag lng aq na makakaya nmin ni baby ..at mailabas ko sya sa tamang panahon ng paglabas nya ..and now im 5months pregnant ..4months nlng waiting nmin 😊 bsta pakatatag ka lng lahat ng ngyayari ay may dahilan ..🙏

Đọc thêm

I feel you mommy,ganyan din po experience ko sa 1st pregnancy ko.Pray lang po and kung kayang iwasan na isipin,itry niyo po. Hold on po sa thought na "Everything happens for a reason" and that "God's timing is always the perfect timing.". Na kung hindi man ibigay ngayon, baka dahil hindi pa time... Mahirap,pero yan po ang mga pinanghawakan ko after ng ganyang pinagdaanan ko. Wag din pong masyadong makinig muna sa mga sasabihin ng iba (kagaya nung dapat may pintig na mararamdaman sa tummy) kasi lalo po kayong makakaisip talaga ng kung ano-ano... Praying for you and your baby...🙏🙏🙏

Đọc thêm

9 weeks ako nung nakita hb ni bby aga ko kasi nagpacheck kasi binantayan ko talaga mens ko pra maging maingat ako ngayon sa bby ko kasi ako nun dko alam na buntis ako umiinom ako gamot at nagsayaw panako 3 months na pala nuon dko alam kaya ngayon unang araw palang ng delay binantayan ko na binilang ko na at nag pt ako at ayun preggy then nagpacheck up agad ako 2 weeks palang sya aga dba tas yolk lang rin nkita hanggang 7 weeks wala rin nakita hb kaya inulit ng 2 weeks yung 2 weeks na yun sakto sa 9 weeks at ayun nakita na 🥰😍

Đọc thêm

same situation nung una wala ganyan din ako pero nagpakita agad si baby second Trans V ko 6 weeks and 5 days na pala sya. nung unang walang nakita sobrang iyak ko talaga pero gabi gabi ko ding pinagdasal na magpakita na sya sa TransV so ayun nga after 2 weeks, lumabas na sya. Huwag ka lang talaga magpaka stress at mawalan ng pag asa i claim mo na. naturally conceived si baby kasi may PCOS ako. gumaling ako kahit di nag paalaga kay OB. 1st baby ko to... prayers for you. 😇🙏

Đọc thêm

hi mi gusto ko lang e share sau yung friend ko ganyan na ganyan din 3months sya that time walang madetect na HB.pero wala din naman syang bleeding or spotting.sabe ng OB wag daw sya mag alala kasi nangyayare daw talaga yun.as long na ok naman sya wala syang nararamdamang kakaiba ok daw yun.tapos pagbalik nya nadetect na hb ni baby. ngaun nanganak na sya healthy baby boy.sana ok baby mo🙏🙏🙏🙏 praying for u and to your baby 🙏🙏🙏 godbless you🙏

Đọc thêm