Praying for my Baby Heartbeat 🙏🏼🙏🏼

Hi Mga Mommy tanong ko lang sobrang stress at praning ko na talaga. Palagi na ako umiiyak feeling ko nararamdaman din ng Baby ko. 😭😭 Marami nag sasabi sakin na pag nabuntis ka wag sasabihin sa Kakilala or sa Family mo na buntis ka. Kase mauudlot daw at mawawala 😔🙏🏼 For me kase isa sila sa mga nag dasal para makag kababy kami ng asawa ko so, kasama sila sa journey ng baby ko. Lalo na sila yung mga taong nag mamahal samin. March 22-26 ang last menstruation ko. May 05,2022 Nag desisyon na ako na mag papaalaga na ako sa Ob kase baka may problem na sa obarya ko. Nag try ako mag PT May 6, 2022 ng 6:30am. Nag positive pero malabo katulad ng last year kaya naiiyak ako kase kung ibibigay talaga ni Lord ibibigay na nya samin. May 6 same day na nag PT ako schedule ko for transV. Yes 🙏🏼🙏🏼 may nakitang Baby skin result at 5weeks and 1day na sya. So dahil wala Yolk sac at HB. Pinababalik ulit ako ng Ob ko ng 2week for another TransV at mga Lab test sa Blood at urine ko. May 19 yes 2weeks nasa 7weeks na si baby sa tummy ko sempre ang susundin kung count yung sa TransV result. Kinakabahan ako ulit pag pasok ko. Habang sinisimulan ng Radiologist ang pag transv skin wala syang makita heartbeat 😭🙏🏼 Naiyak ako sobra pero sabi nya may Lumaki daw si Baby at my yolk sac na din sya. Never ako dinugo or any color ng bleeding. Lahat ng result ko sa Urine sa Blood sa lahat normal. Thank you Lord. Kaso yung Hb ni Baby is wala so naging result dahil may Embryo at sac. 6week and 2days na ako pregnant dahil baka daw maaga yung pag transv ko at nag kamali sa pag count. Though alam ko naman tlaga kase nga gumagamit ako ng flo since last year at doon ako nag babase. May 24, bumalik ako sa Ob sabi good daw yun mga result ko. Pero yung sa heartbeat ni Baby sya nagulat dahil wala. Sabi ng Ob ko iready ko daw ang sarili ko wag daw ako mag pakastress. Dahil dapat may nakita na daw na HB si baby hanggang sa umiyak na ako. 😭🙏🏼 Sabi nya recommend nya ulit ako for the last time ng Transv after 2weeks if walang makita HB ni Baby. Iemergency raspa nya ako. 😭😭💔 Lalo na ako umiiyak pero sabi ng Ob ko wag ko daw msyado isipin pero sempre di ko naman maiiwasan yun diba. Lalo na sabi ng mga kakilala ko dapat may pintig ka daw nanaramdam sa Tummy mo na parang pintig. Kaso wala talaga ako na raramdaman. Pero may mga sintomas ako ng pag bubuntis. Naduduwal, tirediness, sumasakit ang breast, craving and bloated. At lalong walang bleeding. Gusto ko lang ishare sa inyo. At humihingi ng Panalangin sa bawat isang makakabasa nito. Isama nyo kami ng Baby ko na nawa mag ka HB sya at ingat kami ng Panginoon. Di ko kayo kila at di nyo rin ako kila. Pero matagal na akong silent reader dito. Na nawa ipag pray nyo kami ng baby ko. Maraming salamat Lalo higit sa Panginoon dahil sya nakaalam ng Plano nya sa aming Pamilya at sa aking Baby. #prayformybaby #firstbaby #firsttimemom #answeredprayer #jesusIsTheGreatestPhysician #ThankYouLordforthegiftofchildren #Jeremiah29/11 #Isaiah1/27 #7weekspreganant

Praying for my Baby Heartbeat 🙏🏼🙏🏼
80 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

naniniwala pO akO sa pamahiin na dapat wag mona e announce na buntis ka ..2 times ako nakunan lahat alam Ng family ko at family Ng asawa ko hanggang sa nagbuntis ako sa pangatlo nakaka trauma perO pinilit namin na ilihim at ito awa Ng dios manganganak na akO sa September ng secreto ..dahil walang bumati sa tiyan kO blessing samin Ang baby boy na ito GOD ANSWER OUR prayers 🙏.wala naman masama maniwala sa pamahiin dahil wala naman mawawala sau kung susunod ka

Đọc thêm

wag ma stress mommy, ganyan tlga tayo pag frst time mom,parang praning🥰😁sakin nga 6 weeks palang yun ,bahay bata palang nakita,wala pang yolk sac,hearbeat and embryo..hehehe pero pray and pray lang sis🥰sobra pang maaga yung sayo. .ako bumalik ako after 4 weeks,at tsadan , mayron ng yock sac,hearbeat at embryo ,hehehe sarap sa feelings yan sis pag marinig muna hearbeat ni baby🥰💗😇godbless mommy🥰keep safe always kayo ni baby,🥰

Đọc thêm

19 yrs old na panganay ko...ang tagal namin naghintay..ngayon di ko ineexpect na masusundan...5 weeks and 6 days siya ngayon...wala makita na embryo...may 30 pinababalik ako para mag transv ulit...ayoko sana umiyak pero di ko mapigilan...ang sakit sobra...yung ang tagal niyo naghintay pero baka maging failed pregnancy pa...lalo at turning 39 na ako....sa ngayon kay Lord ko nalang ipinapaubaya ang lahat...sana sa pagbalik ko good na ang result🙏

Đọc thêm

hi mommy its sad but in the times na ganyan para wala ka ng masandalan anjan ang lord ibigay mo lahat sa kanya he will do the rest! ako po mommy yung time na maselan kami ni baby talagang nasa baba na sya nakabukas na cervix ko nun ginawa ko ibinigay ko na lahat sa lord wala kaong magagawa pero sya madami he is Almighty God. I declare healing sayo and complete development ni baby

Đọc thêm

hindi po ba too early papo para sabihin ni ob na baka walang heartbeat baby mo. kase alam ko sa mga nabasa ko lang dito 8 weeks pataas na normally iconfirm na may heartbeat na sya dapat.think positive lang Mommy as long nakakaramdam kapo ng mga pangbuntis okay yan si baby. kase pag nagmiscariage kana dapat di mo na nararamdaman yun. kaya for sure yan mommy may heartbeat yan si baby mo.

Đọc thêm
2y trước

aw. don't lose hope mommy God will provide u again just keep praying 🤗💖

wag po kayong masyadong mag isip mommy ☺️ ganto po gawin nyo . alam ko Naman po palagi kayong nag ppray Tama po un 🥰 kausapin nyo po si baby palagi nakakagaan po un ng pakiramdam sabihin nyo na Mahal na Mahal nyo sya 🥰❤️ mararamdaman nya un pure love ni mommy 🥰 wait Ka Lang po si God na bahala sa lahat ❤️ Sending prayers din po Kami sayo 🥰 Kaya Yan mommy lakasan Lang loob🥰

Đọc thêm

Ganyan nangyari s akin nung una...walang heartbeat.3 OBs ang hiningan ko opinion taz same lahat ng sinabi. Taz sinabihan n dn aq n bka maraspa aq.... Un nga po, hndi aq naraspa pero lumabas ung kusa c baby. That time feeling q dahil nagpa bakuna kc aq ng covid 19 and dhil n dn s stress s mga kayrabaho q... As of now, 26 weeks n po aq s baby ko. Lahat ng bagay my dahilan...un n lng iniicp q nun

Đọc thêm

Wag ka mawalan ng pag asa mommy!😊 8weeks normally nakikita ang heartbeat ni baby. Ako 8weeks and 2days nung nag pa ultrasound ako ayun my heartbeat na si baby. Base sa LMP ko dapat 13weeks na sya kaya nagulat ako 8weeks lang si baby. Wag ka mawalan ng pag asa mommy nanjan yan si baby sa tummy mo pray lang lagi and kausapin mo sya na mag pakita pag balik mo kay ob. Tc always godbless

Đọc thêm
Thành viên VIP

Iba iba po ksi tau kmi 7 years mam bago nag ka baby and grabe din pinag daanan nmn sinabi nmn sa family nmn sympre sila magiging katuwang po sa og ddasal sa buong journey ng pag bbuntis nyo ,, Pray lng mam nrrmdmn kasi ni baby ang stress kauspin mo si baby usually ang nababsa ko may mga late daw po tlga minsn maghing okay din ang hb ng baby mo🙏❤️

Đọc thêm

Think positive Lang mommy ako nga unang Trans V ko no HB din kinakabahan din ako nun pero d ako umiiyak at nag paka stress kase lalong makakasama sya nag take Ako ng vitamins dasal tiwala Lang Kay God. Bumalik ako 10weeks na si baby at d ako binigo ni God my HB na sya at ang Lakas pa 😊🙏 dasal Lang wag paka stress po.

Đọc thêm