22 Các câu trả lời

Mas okay pa yung midwife mi tapos consult ka nalang sa ob everytime na mag ultrasound ka, ieexplain nya naman sayo kalagayan nyo ni baby. Change ka nalang ng ob. Ako sa lying in nagpapa check up, then andaming tanong sakin everytime na check up ko. Like, may masakit ba sayo, nag spotting kaba, may nararamdaman ka bang sa tingin ko hindi normal sa tummy mo, tinatanong din nila kung natetake mo ba vitamins mo, kung para san yung kada vitamins na nirereseta nila sayo. For me, base sa own experience ko mas napapanatag pa ako sa lying in na pinagpapa check upan ko kesa sa ob. Yung midwifes naman if may sinabi ka ni nararamdaman mong di maganda rerequestan ka nila ng ultrasound para macheck si baby. Ako sa ob nagpapa ultrasound ako pero di manlang ineexplain sakin yung findings. Buti nalang pag dinadala ko sa lying in sila ang nag eexplain para sakin, yung mga midwife.

true Po 🙂

VIP Member

ganyan din Po un ob ko kaya na bilitan Ako lumapat sa home center samin kaya don nako nag papa Check up ngaun ok lang na tanong Ako Ng tanong at Sina Sabi ko sa kanya lahat Ng nararamdam ko kc un ob ko dati. dina nga nya Ako tinanong kung ano un masakit sakin tinakot pa Ako na malaki daw un tiyan ko pero Ang sadya ko lang Naman talaga doin ii sa UTI ko Akala ko mag request sya. Ng ihi pero di un ginawa nya ultrasound ii agad un sinabi nya sakin at baka daw may bukol Ako kaya sagot ko sa kanya paano Po nag positive un pt ko sakanya kung Wala Naman pala laman Sabi nya di daw nya alam kaya ginawa ko nag pa ultrasound pero sa Iba Kuna pina tingin un result Sabi sakin may baby nga kaya lang may UTI Ako kaya agad Ako ni resitahan Ng antibiotic at gumaling Ako at ngaun 4 months na. kami ni baby sa awa Ng diyos😊😊😊

Change OB ka Momshie. Ganyan din ako nung una, halos 1minute lang consultation ko sa kanya then kapag may tanong ako parang tinatawanan nya ako. Then monthly nya ako nirerequire ng ultrasound, ang pricey pa naman tapos dapat sa hospital na yun lang ako magpa ultrasound. After 5 months, hnd na ako bumalik sa kanya. Nagpa consult na ako sa ibang OB, pero ibang hospital na rin. Yung OB ko now, sobrang bait and sobrang supportive. Lahat ng tanong ko, sinasagot nya ng maayos and very honest sya. Nagsasuggest din sya kung paano ako makakatipid.

Sana makahanap din po ako ng kagaya sa ob nyo

same po tapos nung nag ka sipon ubo ako due to over work sa school at natuyuan ng pawis pagod. biglang no respond na after ko mag pa check up sa public. sa public kung di lng prio 7 months at kung prio nila ang 6 pababa pas ggustuhin k pa tyagain sa pulic. kasi sa ob ko bawat check up ko 1400 bukod pa sa gamot na aabot ng 3500 now waiting ako sa public August pa sched nila sakin kaya waiting na lng ako kesa mag waist ng money

uyy grabe Yung 1400, mag try na din ako s public Sana okay Ang ob nila dun

VIP Member

Had the same experience mhie. 7 months na ako nung lumipat at naghanap ng OB and meron naman kami nakita ang sobrang bait at caring ng bago kong OB ngayon. Nasa private maternity hospital yung unang OB ko pero mas bet ko yung OB ko ngayon kahit sa lying-in lang siya. Nagkaproblem ako sa dugo and dito lang sa current OB ko na feel na concern talaga siya sa health ko and ng baby ko.

Sana makahanap din po ako ng caring and mabait na ob

TapFluencer

ilang weeks ka na ba mamsh? kung hindi ka pa naman ganun malapit manganak you can find new OB. Try mo sa mga hospital may mga OB sila some of doctors have clinics naman. Mas maganda kasi na ma explain at ma discuss sayo yung pregnancy mo. Hindi yung basta basta lang kasi dalawa kayo ni baby yung dapat inaalagaan.

malapit ka na din pala manganak mamsh. Nasa sayo na po yan kung gusto mo pa palitan or mag stay ka na lang. ilang buwan na lang naman po eh. tyagaan mo na lang siguro.

same naka ranas den ako sa first OB ko Ganyan, ako pa talaga magtanong, Ang bilis pa Ng transaction ,pera agad , sa kanila bibili Ng gamot. done na. Hanggang Ngayon tuloy searching pa Den ako, Yung komportable at feel mo na may care samin at aalagaan kame ni baby.

Same here, lage lang nya tinitingnan ang heartbeat ni baby then reseta. Never nya ako pina kuha ng mga lab test. No advices or whatsoever, pag mag ask lang ako dun sya mag sabi. Pero dami nya patients, kilala na magaling daw but wala ako napapala 1st time ko pa naman.

hirap no mamsh 😔 like Kaya nga Tayo pumunta da private ob para maalagaan Tayo pero di Naman Tayo naaalagaan 😔

Sakin every check up, midwife. May OB din sa clinic nila pero sa midwife ako. Sobrang maagala, tapos anak pa tawag sa mga pasyente. Napakabait at daming payo at tanong palagi kung kumusta ako , may nararamdaman ba ko. lahat as in tinatanong. Affordable din pati.

Sana makahanap din po ako ng kagaya sa midwife nyo

Ganyan din po yung una ko ob.. Di man ako din ako tinitimbang at Bini Bp..Eh una palang sinabi ko na sa knya may hipertension ako. Basta magbibigay lang ng gamot di man ieexplain. Ang ginawa ko po nagpalit ako ng ob.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan