25 Các câu trả lời
hindi po required ang magpahilot at bawal rin po hilot sa buntis... kasi, kusang umiikot nman si baby sa loob... pag pinahilot po ang baby, may mga tendency na napupulupot sila or mas lalong nawawala yung tamang posisyon nila sa loob... kung parang bilbil lng po yung 7months unborn baby nyo po, ibig sabihin, di ka malaki mag buntis 😊 di pareparehas lahat ng mommies mag buntis po 😊😊
Mas maganda nga daw kapag maliit yung tyan eh .. purong bata daw.. ganyan hipag ko maliit na babae kaya maliit ang tyan.. lumaki lang sya nung 8 months biglang lobo.. pero di naman pinahilot.. mga nagpapahilot lang po is yung mga suhi ang baby.. pero kung ayos namn ang position ni baby .. wag mo na galawin..
I remember nagduduty pa ako as student nurse dati. May buntis kailangan ng ecs kasi na stress ang baby. Pinahilot kasi. Ayun no heartbeat detected and was declared dead na ang baby. Better go sa ob rather than sa ganyan na hilot hilot. Bahala mas mahal pero para sa kaligtasan ni baby naman po.
Magpaultrasound ka po para malaman mo kung nakapwesto na kesa sa papahilot ka po kaagad baka mamaya mapano pa kayo e. And kusa naman po pumepwesto ang baby so no worries. Ung sa laki at liit naman kanya kanya po yan. As long as healthy baby nyo sa loob at nakapwesto wala pong problema.
ako po momsh , alaga ako sa hilot , since 5mos po until 7mos , hinlot po ang tyan ko .. and hindi nman po sya ung hilot tlga , parang hinhaplos lang nman po ung tyan natin , nallaman din po yan ng manghihilot kung suhi ang bata or hindi..
Ako mamash nanganak na lang ako ung tyan ko daw pang 6 to 7 months pa lang ang laki 🤣 pero kasi payat lang din talaga ko kaya maliit lang din tyan ko nun... ayus lang yan mamsh kahot maliit basta healthy si baby s aloob
Thank you mamsh really appreciated.😘
Mas magandang nahihilot ang baby 💖 lalo na pag mababa matres mo. Ako nagpahilot ako 7months ako non lagi kase nagsusumakit tiyan ko tapos nagpahilot lang ako Ok na pakiramdam ko dinako nakaramdam ng sakit 💕
Hindi advisable ang hilot. Pag yang anak mo napuluputan ng umbilical cord sa leeg dahil da hilot, bahala ka. Kung healthy naman anak mo sa loob ano kinakabahala mo? Wala sa palakihan ng tyan yan. Walang competition dto.
Just asking lang po salamat marami din kasi akong ka work naranasan daw nila magpahilot worried lang ako kasi simula 1 month till now wala talagang improvement ang tyan ko. At sabi sakin nong nagpa ultra sound ako nakaipit daw ang paa sa may legs ko peru babalik naman daw sa dati ito dependi sa galaw nya pag subrang likot na nya sa loob ng tummy ko.
Required un sis.. Ako 2 times nagpahilot. Kasi mababa ang tiyan ko para na din makatulong sau mapwesto ng tama. Saka para di ka maihi ng maihi. Nakakaginhawa ang hilot kaya wag kang matakot
Huh?? Normal sa buntis ang ihi ng ihi. Saka pano nasabing required ang hilot? Required nino?
Mamsh wag po pahilot minsan dun nagakkaron ng placenta abruption dahil sa panghihilot. Yung kumakalas na yung placenta. Better not risk your baby. Yan lagi sinsabe sakin ng ob ko.
Jasmine Cortez Rapsing - cadizal