Share lang ✌️

Hi mga mommy share ko lang nangyari sakin kanina. 8:00 am bumangon ako wala naman akong nararamdaman kundi paninigas ng tiyan nag bfast na lang ako kasi follow up check up ko today sa OB ko. 8:30am bigla nalang sumakit ang tiyan ko hindi ko lang pinansin kasi akala ko lamig lang kaya uminom ako ng maligamgam na tubig. Hanggang sa sumakit na talaga siya at sinabayan ng paninigas ng tiyan at pinagpapawisan nako. Naligo nako para makapunta na agad sa ospital para sa follow up check up. Nawawala naman ang sakit niya 3-5 mins ang pagitan sasakit na naman siya ulit. Pagdating sa ospital pumila pa kami sabi ng mother ko kong kaya ko paba daw sabi ko Oo kaya ko pa pila nalang kami kasi kong hindi ko na kaya magpapa admit nalang dahil admitting order naman na kami na binigay si doc sakaling mag labor na talaga ako. Habang nasa pila nako palala na ng palala ang sakit hanggang sa nasusuka nako, hinang hina na katawan ko feeling ko mawawalan nako ng malay kaya dinala nako sa ER. Tamang tama andun na yong OB ko talaga dahil may clinic naman talaga siya today. Nagpa IE nako kaso close pa daw ang cervix ko. Pero sobrang sakit talaga sabi niya kong magpapa admit na ako baka abutin pako ng ilang days na maglabor sa ospital at baka sobrang laki ng bill namin kaya sabi ko uwi muna kami. Eto nasa bahay kami ngayon habang pabugso bugso ung sakit, binigyan lang niya ako ng Buscupan para mainom for 1 week. Akala ko pa naman labor na talaga tong nangyayari sakin pero sabi ni doc false alarm palang daw to kasi close pa nga daw ung cervix ko. First time mommy kasi kaya diko talaga alam kong ano ang totoong feeling ng naglalabor. 38 weeks and 3 days. Praying sa safe delivery ng mga team June ❤️ Pray lang.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan