Ayaw magdede ni baby ng gising

Hello mga mommy! My same problem ba dito sa baby ko mahina mag gatas, 5mons old na sya magdedede lang sya pag tulog or inaantok pag gising ayaw nya talaga magdede kahit gutom na. Nauubos lang nyang milk is 2-3oz pero sa gabi napapadede ko sya 4-5oz basta mahimbing tulog nya dumedede sya kahit tulog, pag gising talaga ayaw nya umiiyak sya. Nakailang palit na kami ng formula milk parang hate nya talaga ang gatas. Umayaw din sya sa breastmilk e. Kaya di ko napalakas gatas ko kase walang direct latching. Super stressful talaga kase mataba dati sya eh pumapayat na ngyon kase mahina magmilk. Nakailang doktor at pedia na din kami kaso yn talaga wala syang sakit nasaknya talaga ung sadyang mahina mag gatas. Nakapag pedia gastro na din kami wala naman nakita saknya. Ano pong ginawa nyo sa baby nyo para bumalik yung gana nya magmilk? Nakailang vitamins na din po kami wala epek sknya tapos mas marami pa syang gising kesa sa tulog. Hyper po talaga nya.. maraming Salamat po sa sasagot.

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagtry na po ba kayo mi, magpalit feeding bottle? Lately kasi baby ko din ganyan, feeling ko nagngingipin kasi nginangatngat lang yung tsupon. Pag sa dede ko naman, kinakagat kagat yung nipple ko. Nagtry ako magchange bottle, dinede naman niya pero nilalaro laro pa din. Tygaan lang talaga. Ang partner ko naman, ginagawa, pinapag-pacifier muna, pag medyo nagantok na sa paci, tsaka lalagyan ng dede 😅 Gusti ko na nga iconsult sa pedia kasi naninibago ako eh huhu baka gusto na nila kumain, ma 🥺

Đọc thêm

Same po tayo, sa akin 8 months na siya ganyan pa din ang mahirap lang nabawasan pa yung nap niya sa araw kaya konti lang naiinom niyanggatas sa gabi naman ayaw niya na sumipsip kaya deretso sleep niya. Nagpapedia gastro na din kami, ilang lab tests na ang ginawa wala namang nakitang problem. Kaya sobrang underweight ni lo ko ☹️. Tapos sa solid food naman konti din kumain.

Đọc thêm

Ganyan din baby ko. Pero nakakita kami technique para magdede ng gising. Habang naglalaro or nagwawatch siya, dun namin binibigyan dede. Nakakaubos sya 6-8oz. Tapos pag antok na, sakin muna dede tas pag medyo palalim na sleep, padede ulit sa bottle. 9 months na baby ko. Mixfed.

Hello mi, kamusta na po baby niyo? Dibpadin po ba nagdede ng gising? Kasi yung lo ko din hirap na hirap ako pano padedein :(

Same sakn now mi, turning 5months gusto puro tulog tapos bihira dumede direct latch sha saakin d ko alam bakit naging ganon..

2y trước

ayaw din naman nya dumedi sakin kapag gising gusto din tulog .

Ganyan din baby ko ngayon, simula nung nag 5 months siya ayaw niya magdede ng gising. Umiiyak hinahawi ang bote.

Mi okay na ba si baby mo? Same sila ng baby ko ano po ginawa nyo para dumede sya ng gising?

nag change napo ba yung baby nyo me?

2y trước

Okay na mi si baby mo?