Ganyan din po ako sis sa last pregnancy ko, parang 2days before my delivery nagka ganyan ako, pinaka pakiramdam ko muna kasi tolerable pa naman yung sakit naglinis pa nga ako ng kwarto namin akala ko noon pagod lang, then the next day may discharge na ko parang sipon tas super light lang na dugo di sya halata na may blood tas panay na paninigas ng tiyan ko nagkikilos pa ko nun nag grocery pa kami, bandang 5 sabi ko kay hubby pa check up ako since malapit lang yung lying in kung san ako manganganak dapat kinabukasan ko pa gagawin kasi kukuhaan ako ng dugo since mababa yung dugo ko need i check kong okay na. So yun pagpunta namin nasa 2cm na pala ako binigyan ako ng primrose para inumin so nagtake ako nung gabi, pero di na ko pinatulog ng maayos kasi panay sakit na kinaumagahan balik ko ulit para kuhaan ako ng dugo pagka ie ulit sakin 5cm na ko di na ko pinauwi hanggang yung contraction sunod sunod na tanghali naging active labor na ko at 2:25pm lumabas na si baby ☺️ sa tatlo kong anak dito sa last ako nahirapan kasi naranasan kong maglabor ng 2hrs pero lahat sila dalawang irehan lang. Kaya mo yan sis sundin mo lang lahat ng sinasabi sayo ng ob mo para lumabas agad si baby
Đọc thêm
Mama bear of 1 handsome little heart throb