posisyon sa pagtulog

hi mga mommy, okay lang po ba matulog ng nakatihaya? tuwing nagigising kasi ako nakatihaya ako e bago ko matulog naka tagilid ako palagi. 34 weeks na po ako.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Advise ng ob sakin, left side raw talaga, lalo at 3rd trimester na tayo. pwede ka maglagay ng unan or rolled towel sa likod mo bago matulog para kahit magrollover ka, you won't totally be lying on your back. Personally, ang sakit na rin ng katawan ko lying on my left at mas comfortable ako on my back pero no choice. Sabi ng ob baka raw kaya nagtransverse lie position si baby ko dahil kakapalit ko from right to left side kapag natutulog 😢

Đọc thêm
10mo trước

kaya nga mih e naka cephalic pa naman na si baby mamaya mabago hays sige mih salamat po lalagay nalang ako unan kabilaan every gising ko talaga nakatihaya ako siguro kasi komportable katawan ko kaya kusang tumitihaya kahit naka left ako matulog

Thành viên VIP

hindi po advisable ang nakatihaya kasi posibleng uunti po oxygen level ni baby.. advisable talaga sa left para maganda blood circulation natin and enough yung oxygen levels ni baby

pano po pag right? minsan kasi komportable din po ako sa right side

Thành viên VIP

pwede naman oo pero dapat babalik din sa left sidw