1st time mom
mga mommy nung nanganak po ba kayo at wala pang milk yung boobs nyo ano po muna pinadede nyo kay baby ?
4 days ako sa hospital, 4th day pa ko nadischarge. during that time talagang iyak kami ni baby kasi 1st 2 days patak lang talaga lumabas pero bawal ang bottle at formula sa hospital. di naman pwede di dumede si baby, latch pa din sa kin pero nagrequest kami ng milk from the milk bank nila. upon discharge, may nagmagandang loob naman din nagdonate ng breastmilk. 😊
Đọc thêmFormula muna para di magutom. Kawawa ung baby. Nung nakakagalaw na ko a day after giving birth(CS) at kaya ko nang medyo bumangon kinuha ko na cya para makapaglatch na. Kawawa din kasi asawa ko na puyat kakatimpla gatas nya every 2 hours😆
Ipa latch nyo lang po kay baby, kahit mukhang wala syang nakukuha meron yan basta nagwiwiwi sya ibig sbihin may nadedede sya sayo. Sakin kasi nung una ganyan din. 3rd day pa namin nakitang tumutulo tlga milk ko.
Nagmixed feeding muna kami. S26. Then continue pa din sa palatch kay baby para lumabas ung milk. So far naging effective naman hanggang sa naging pure breastfeed na siya.
My breastmilk sa hospital.. Yun muna pinapainom kasi wala pa ako milk na lumabas.. 3days after pa 😔 2nd day unti patak pero d kaya sustain sa need ni baby
May iba galing sa NICU pag may mga donated milk. Pero nung time na ako, naubusan kaya prescribed ung pedia ng enfamil. First day lang naman wala gatas ko e
Ako po nung nanganak ako, wala pang gatas yung dede ko pero pinapadede ko pa rin sa kanya hanggang magkaroon, tapos puro may sabaw ang kinakain ko
nagpabili ako ng formula tapos tinago namin sa mga nurse kasi gutom na baby ko tapos wala talaga lumalabas na milk nung pagkapanganak ko
Unli latch lang, lumabas din milk after 2 days. Colostrum yun tawag dun sa first few na nakukuwa niya bgo naging milk talaga.
Pa latch lang kay baby lalabas yun kahit feeling mo wala. Super important ng unang labas ng milk para kay baby
Excited to become a mum