First check up
Hi mga mommy, nung first check up nyo po sino kasama nyo partner nyo o kayo lang mag isa?? Asking lang po hehe natatakot kasi ako mag isa :(
Magisa lang ako 1st and second... 2nd naiyak pa ko mag isa lang kasi ako kasi sinabihan ako ni dra na may sub hemo ako nakita sa tvs... Ayun iyak ang lola mo.. Kinabahan ako eh ftm kasi 3rd sumama si hubbyf pano nasakit puson ko yun pala uti tvs na naman tuloy normal si baby kaso may uti ako.. Tapos balik na ulit ako na lang ulit mag isa may work kasi si hubbyf ako stop muna kasi may pandemic pa
Đọc thêmLip ko, sa lahat ng chek up ko, walang palya kasama sya, kahit may time inaway ko sya diko sya pinapansin, magssabi pa yan mag alarm ka 😂 kahit di ako nasagot , aalis na kami diko sya kinikibo ending kakausapin nya ko papatawa kaya bati nanmn kami😂 hayss.. Very thankful and blessed, excited kasi sa first baby boy namin , sana di sya magbago.
Đọc thêmUng ate ko kasama .. wala kasi si lip nagwowork .. salahat nang check up ko si ate o mama ko kasama ko .. pati sa ultrasound si mama kasama ko dahil nalockdown si lip sa manila .. nakakasad lang never nia nakita o narinig heartbeat at paggalaw ni baby sa tummy ko .. malapit na ako manganak lockdown parin ..
Đọc thêmKasama ko si hubby. Gusto nya kasi lagi daw sya nandoon pag check up ko. Gustong gusto nya din kasing naririninig heartbeat ni baby saka yung mga bilin ng OB may pagkamakalimutin din kasi ako. Pero nung naging sched ko is Wednesday which is may pasok si mister ako nalang mag isa nag papacheck up.
Kasama ko husband ko. Bf ko palang sya nun. And when we found out that we're pregnant, napaka saya nya and excited at the same time. Opposite sakin hahaha. Kasi sasampa na Sana ako Ng barko 😆 pero nung nag sync in na sya sakin kinabukasan, I felt the same feeling narn 🧡💞
Ako lang mag isa simula nung unang check up ko, at mga lab tests ko... may work kasi sya and mas gusto ko ako lang mag isa 😊. Kahapon lang ako nagpasama sa knya kasi after ng lockdown non lang ako ulit nakabalik sa hospital nagmotor kami kahit madaming checkpoint 😅😅
unfortunately,, dapat ako lang magisa ihh.. kaso naginsist yung TATAY ko na samahan ako.. kasi baka daw matagalan tas ako lang magisa.. at buti nalang din talaga sinamahan ako ng tatay ko.. 😅😅 nagsimula ako ng 7 am sa pila.. natapos kami ng 5 pm..
Friend ko. Tapos yung sumunod ako lang mag isa. Ok lang mag pacheck up mag isa lalo na if early palang. Kasi naaawa din ako kay hubby kapag sinasamahan nya ko nag aantay sya ng matagal 🤣 pero if malapit na due date mo mas maigi na na may kasama
Kasama ko lagi ang asawa ko everytime na magpapacheck-up ako.😊 Ayoko pacheck-up magisa kinakabahan kasi ako😅😅😅..may previous history kasi ako sa pregnancy. Kasama ko din sya sa loob ng clinic, kainakausap nya OB ko.
Kasama ko po partner ko first check up. Pero mga sumunod ako na lang po. Nasasamahan nya lang ako pag nakakauwi sya galing probinsya. Wag ka po matakot, magtanong lang kayo ng magtanong sa OB kung may mga gusto kayong malaman.