18 Các câu trả lời
For me lang parang mas nakaka cause pa ng harm. Kasi mga OB nga ingat na ingat hawakan mga tiyan ng buntis. Because very delicate talaga ung uterus andon baby eh. Pag pahilot kasi pindot ng pindot ng tiyan. Minsan sobrang diin. Hinde sila gentle sa pag hawak. Eh ang lambot pa ng mga baby. Magkamali ka lang ng hagod o diin. Baka mapano kung ano pa mangyari sa loob. Or sa sobrang hilot baka kumalas pa ung placenta or pumutok amniotic sac ng hinde oras. Lalo na sa mga maselan. Kaya sa OB lang dapat lalapit. Mas safe kasi pinag aralan talaga nila yan.
nagpahilot ako nung 1st pregnancy ko kasi suhi. naitama nmn ang position pero after a day. nanakit katawan ko lalo na sa likod and tiyan ko. di ako makatulog ng maayos. tapos nung nag pa ultrasound ako. breech ulit si baby. I will not do it again. muntik na ako madisgrasya nun. Sabi pa nila expert pa nmn yung nag hilot sa akin.
Nagpahilot ako dahil suhi si baby, pero nagpahilot ako doon sa mga nagpapaanak talaga dati na mga matatanda na kasi sure yon na maalam na sila. Ayon, kahit almost due ko na eh naikot pa nya si baby and normal and healthy naman si baby ko. Make sure lang na yong hihilot sayo is nagpapaanak dati and mas better if matanda na. 🙂
okay lang naman magpahilot mommy basta yung expert na yung marami nang experience sa pagpapaanak especially ako kasi yung taga hilot ko 70 yearsold na siya tapos midwife siya dati marami na rin siyang napa anak ,kaya nasa sa inyu po yun basta review talaga muna sa manghihilot before kayo magpahilot
Reminders lang Ma'am na wag magpapahilot if Kabuwanan niyo na or malapit na kayu manganak Kasi Yung Friend ko nagpahilot kinabukasan nanganak, Ang nangyare is Yung Blood Niya ay Nagbu-o and Dangerous Po Yun. Pero if nasa 2nd Tri naman okay naman Po Kasi may iba Po na suhi Po Yung baby
sa first baby ko is 4mos palang mahigit sa tummy ko pinapahilot ko na dahil tuwing gabi sumasakit sa may gilid nang puson ko as in hindi ako nakakatulog,sabi nung naghihilot sa akin nakasiksik daw c baby sa gilid kaya ganun.. so far oky naman baby ko, 7years old na sya mahigit
No. Never. Ginagawa lang nila para kumita. Di naman nila inaral how to handle baby. OB nga di pipigain tiyan mo. Pag iingatin ka. Tas ipapadurog mo baby mo sa manghihilot na may alam kuno. No way!
ako nag pahilot na ako sabi kasi nila pahilot ko daw para lumaki tiyan ko pero ganun parin naman walang nag bago
Not recommend talaga ang paghilot kapag buntis. Sometimes ito pa nagiging cause ng complications sa panganganak.
Hindi po ako nagpahilot at wala din naman po nagrecommend saken na family o kakilala ko na magpahilot po.