bigkis

Hi mga mommy... may naglalagay po ba ng bigkis kay baby dito? Para san po ba yon? Hindi ko po kasi ginagawa yon pero gusto ng MIL ko lagyan ko bigkis si baby para daw hindi lakihin ang tummy ni baby, totoo po ba yon? Salamat po?

66 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para d kabagin c baby,at hindi lakihin ang tyan or putusin kung tawagin,panganay ko babae,1 yir old n cya ng tinanggalan ko ng bigkis,ok nga kc d lakihin tyan ng babae ko,ngaun sa baby boy ko 6 months dw pwede ng d magbigkis,

5y trước

Para skin kc mas ok ang my bigkis,para din ky baby un lalo n pglaki nya,lalo n pag babae pa

Masyado ng makalumanyan paniniwala na yan di sya recommended ng pedia. Isipin mo nga pag tayo busog na busog tinatanggal natin butones natin sa pants. Tapos bibigkisan mo baby pano pag busog sila kawawa diba 😂

Hindi na po advisable na mag bigkis sa baby kasi need mahanginan pusod ni baby para mabilis matanggal and kapag nakabigkis daw ang baby may tendency na maipit ang tyan at mag cause ng pg lungad ni baby

Ako din hnd ko ginawa kasi sb ng pedia baka sumabot ung pusod. Sb ng MIL ko, para daw magkashape ung katawan at pumaloob pusod. Pero ung panganay ko loob naman pusod at kay shape kahit d ko binigkisan.

Hindi po totoo. Need po mahanginan ang pusod ni baby para madaling matuyo at mabilis maghilom. Unlike pag nakabigkis, prone sa infection. Wala rin pong basehan na nakakaliit ng tyan ang pagbibigkis.

Nag lagay ako sa baby ko ng bigkis pag katuyo ng pusod nya. Para iwas kabag at laki ng tiyan. Ganun ginagawa ng mother ko 7 kame anak nya na puro ganun yung ginagawa nya kaya nakasanayan ko na din.

Thành viên VIP

mommy nkadepende na po sayo ung pglalagay ng bigkis. baby kc noon tlgang nilalagyan pro ngyn my iba na ndi na. nsasayo kung maniniwala ka sa mtatanda or sa pedia ngyn. but for me gusto ko ung old.

Hnd pinapalagyan ng doktor ng bigkis pero baby ko binibigkisan ko for one month medyo maluwag lang para hnd mahihirapan huminga. Tsaka kahit may bigkis sya mabilis lang din natuyo ang pusod.

Salamat sa replies mga mommy... di rin kc ako naglalagay kaya lang sinita ako ng MIL ko😅 lagyan ko daw ng bigkis😪 kaya lalagyan ko na lang pagdalaw nya sa amin😁😁😁

Thành viên VIP

Hindi na uso bigkis para madali matuyo pusod mommy, pero ako naglalagay pa kase nasasagi ng diaper nya ung pusod nagdudugo kaya gumagamit parin ako, case to case basis parin.