Di nalingon
Hi mga mommy nag wowory lang po ako kaka3months lang po ng baby ko nung aug.24 pag tinatawag po sya di sya nalingon pero yung may karga lang sa kanya ang tinitignan at nginingitian nya normal lang po ba yun sana masagot
dont pressure your baby and yourself. Every baby is different. Palagi nyo po syang kausapin. nako ang baby ko newborn palang wala akong humpay kausapin sya kahit simpleng pag titiklop ng damit, or kahit ano ginagawa ko sinasabi ko sa kanya 🙂 kahit alam kong di nya pa ko naiintindihan since kami lang nun nasa work husband ko 😊 He's my kamarites ngayon 3 yrs old na napakadaldal 😅 ayaw na tumigil kakasalita 😅 3 mos is too early pa para marecognize nya ang pangalan nya or awareness nya na sya yung tinatawag nyo...
Đọc thêmSuper baby pa po yan, pero 1st thing to check para di ka maparanoid is tingnan mo kung may eye contact si baby. yung tititig sya sayo while nilalaro or kinakausap mo sya. That's a good sign po.
Sis nman,syempre 3months palang yan sya normal lang yan sa baby. Wag ka mag-madali,di pa nga ata niyan alam ang pangalan niya eh.
Na try nyo na din ba pumalakpak syang tawagin? Kung hindi pa din nalingon, Pacheck nyo tenga nya.
Super duper early pa po. Basta lagi niyo lang po kausapin at iparinig yung name niya.
wag nyo naman madaliin si baby ☺️ 3 months pa lang naman sya.
yes. di pa nya alam na sya yung tinarawag nyo kasi.
Normal lang yan miiii. Wag mag overthink masyado hehe