44 Các câu trả lời
ako po mommy 14 weeks pregnant nagpavaccine ako pfizer wala naman naramdaman yung naturok lang parang nabugbug the next day nawala rin. aalis kasi ako papunta abroad kaya need ko magpa vaccine saka bago naman ako nagpavaccine nagbasa basa ako and may nasalihan ako na 2 group for pregnant mom na nagpavaccine lahat nang baby nila okay naman mostly sa US nagpapavaccine sila 1st trimester nila. base sa studies di naman daw pumapasok sa placenta ang vaccine yung antibodies lang daw.
23weeks and 3days ako at kahapon nagpacheck up ako, nag advice din OB ko sakin na kelangan magpavaccine ako pero asakin na desisyon kong gusto, advisable daw kasi sa buntis dahil tayo ang isa sa mabilis mahawaan ng covid. pero ayaw ng asawa ko at ayaw ko din, tsaka na siguro paglabas ng baby ko. natatakot din ako baka my side effect sa baby lalo nat asa tyan ko pa lang sya. ingat mga mamshies. Stay safe and have a healthy pregnancy sating lahat. Godbless.
nkktakot isipin un pwdng maging effect ng vaccines s mga baby ntn, my nabasa me n articles reg.s buntis n nagpavaccine, peo xa manganak nagpositive xa peo mild xa since my vaccine xa peo c baby nun lumabas negative xa pwd isipin n ntn kya dn tau nagppvaccine kc pra s baby ntn, nun una hesitant dn aq mgpavaccine peo naisip ko pnu c baby ko d p kya ng mura nyang ktwan at d dn kakayanin ng puso ko kng mngyari mam un, 🙏🙏🙏🙏🙏🙏
Inadvise din po ako ng ob ko, pero napagdesisyunan na namin mag asawa na saka na after manganak. Hindi tayo sigurado kung ano epekto nito sa baby hindi naman ito makikita ngayon. Isa pa may mga additives dito na hindi proven pa. I don’t know pero ayoko naman magtake ng risk. Doble ingat nalang at di na nalabas ng bahay for safety. Kung ako okay lang kaso kawawa si baby if in case may epekto sa kanya 🥺🙏🏻
nakapag 1st dose na ako ng Pfizer mommy, when I was in my 22nd week. okay naman, wala naman malalang side effect yung ngalay lang sa injection area. 2nd dose ko na next week pang25th week na namin ni baby 🥰 nagbasa basa din ako and youtube tungkol sa covax for pregnant. 👍🏻 madami na din nvaccinenan na preggy. since di naman sapilitan ang pagpavaccine, its still your choice mommy. 😊
Fully vax na me mamsh. Recommended ni ob ay Pfizer at Moderna lang. okay lang naman saw astra pero hesitant sya because of the side effects. Mas okay na pa-vaccine ngayon mamsh kasi basednon research makukuha rin ni baby yung antibodies. Sobrang delikado na kasi ng panahon ngayon. Pero choice mo pa rin masusunod syempre. Kung comfortable ka or hindi. :) stay safe lagi!
Moderna. 1st dose ko 22 or 23 weeks yata ako.
ayaw din Ng husband and family ko na magpa vaccine ako, kase di parin naman masabi effect talaga Kay baby in a long term. Kaya nagpa reseta nalang ako Kay OB Ng maraming vitamins para sa immune system namin. at triple ingat lang talaga and PRAY syempre kase kahit anong ingat at vaccine pa gawin mo, only God can save you. hawak Niya buhay natin.
ako mommy sched ko tomorrow for sinovac vaccine. sinovac kasi available sa lugar namin. nagbasa basa din ako na inactivated vaccine ang itinuturok like hep-b vax and anti-tetanus vax. reading helps if di pa masyadong sure. ☺️ https://www.who.int/news-room/feature-stories/detail/the-sinovac-covid-19-vaccine-what-you-need-to-know
me too! I haven't decided yet. Pero nirerecommend ni OB. Nagdadalawang isip ako kasi yung tita ko na preggy din nag advice naman yung OB nya na wag muna pavaccine. Yung ibang OB wala din tiwala sa vaccines 😅 Magpapa flu vaccine muna ko next week.
Ako nag pa vaccine at 23 weeks wala nman unusual side effects aside from the fever and body pain... Moderna din ang vaccine ko and with the consent of my OB... Matagal namin pinagisipan ng asawa ko and Opted to take the vaccine para sa safety namin ng anak ko ang may chance na magkaroon siya ng antibodies pag ka labas niya
Ako po momshies papa vaccine din. Kc mhrap wlang proteksyon lalo na po dmi po positive na buntis. Kamuka po ng frend ng asawa ko. 5 months preggy po nahawa po sya ng covid. After one week of fighting with covid. She died po including the baby. 😔😔 very sad po. Wla po navaccine sa bahay nila except sa mama nya na senior.
Maemae NM