How do you deal with this situation?

Hello mga mommy! How do you handle a situation where asking for help is considered as pinag iisipan daw? Like paghehele kay baby o pagbabantay whenever you want to rest after an exhausting day. I asks for my partners help na s'ya na maghele kay baby kasi ayaw matulog kahit antok na antok na kanina ko pa hinehele, naghyper pa lalo nung makita s'ya, then he answered me bakit daw pati pagpapatulog pinag iisipan ko pa? Nakapagtimpi lang ako kanina kasi malapit lang sa kwarto na tinutulugan namin yung mga kapatid n'ya pero deep inside gusto ko s'ya saktan physically or sagutin because of his attitude. And then one time when we visited his family, (sa'kin kasi dumedede si baby)may formula milk silang binili para daw tumaba si baby kasi doon sa milk na yun tumaba yung mga cousins nila, that moment feeling ko parang balewala ako as a mother, ni hindi man lang ako tinanong ng partner ko if okay lang ba basta pag family n'ya ang may gusto sige lang s'ya kahit alam nyang ikagagalit ko. Alam ko I'm overreacting pero kasi kagagaling lang ni baby sa diarrhea n'ya and malay ko kung hindi s'ya sanay sa gatas na yon pero sa huli wala rin ako nagawa kasi mapipilit, pinainom pa rin nila kahit ayaw ko. Yung partner ko hindi man lang nagreact kahit nasabi ko na before na ayaw ko pa imix feeding si baby. Nagalit pa sa akin nung nakita n'ya na nakatingin ako sa anak ko habang pinapainom nila. Haynako buhay may in-laws nga naman na mahilig makielam🤦🏻‍♀️

6 Các câu trả lời

TapFluencer

medyo hindi ko gets yung unang part mommy. hehe. dahil yata madaling araw pa at nandito na ako. perooo, share ko na lang ung experience ko regarding sa pinapakialaman. 😅. first baby namin at first apo sya sa side ng asawa ko. ang daming pamahiin at kung anuano pa. gusto din nila painumin ng katas ng amapalaya kasi daw madilaw sya mag2 months na sya noon. gusto din ipagformula na lang ng lola ko kasi daw kulang ang gatas ko dahil pag nagpump ako wala man 1oz lagi. wala akong ginawa sa pamahiin at mga advice nila na alam kong makakasama sa baby ko. pero tumatango na lang ako pag may sasabihin silang gawin ko. buti na lang nirespeto un ng asawa ko kalaunan. sabi nya wala naman daw mawawala nung una. pero sabi ko meron. paano kung magkasakit ang anak ko? communication is the key kay husbando. 😊. nung pinpilit pa din nya sabi ko sya ang gumawa tapos kung may nangyari kay baby sya ang sisisihin ko. ayun nanahimik hehe. lahat ng inadvise naman nila tinanong ko sa pedia ni baby kung pwede gawin, pag hindi, hindi ko gagawin. nakabukod nga pala kami. ngayong 3 months na si lo, i am happy to say na i proved them all wrong sa mga advice nila. di na yellow si baby, pumuti na sya dahil pinapaarawan ko. exclusive breastfeesing pero nananaba na sya at sakto sa timbang. di rin sakitin at masigla. malikot pa nga. hehe. prove them wrong din sis. tango tango ka lang pero at the end of the day anak mo yan. ikaw ang magdedecide ano ang gagawin. we only want what's best for them. 🥰

UP! LEGIT ito!

VIP Member

Number 1 Pinaka-importante talaga communication kay husband, makuha mo ang loob at tiwala niya pagdating sa anak niyo, eventually marerealize din niya na tama ka. Kasi kung aawayin at papairalin mo galit mo sa husband mo, mas lalo lang magkakalayuan ng loob, lalo pa kung against sa family niya ang away niyo. Pag same page na kayo ni husband, si husband mo na paghandle-lin mo sa family niya. Para hindi kayo mag away ng in-laws mo, once kasi mag away kayo harapan, magiging matinding lamat yan at kahit humingi ka pa ng tawad, manchado ka na habang buhay. Ako nagsasabi talaga ako ng "NO" at nage-explain, pero kung hindi ka talaga pakikinggan kahit pa may reference ka from Pedia ng anak mo, ipagpipilitan talaga nila gusto nila, ending makakapag away lang kayo. Later ko na natutunan yung technique ng isang commenter dito, yung puro "tango" at "oo" lang, pero di talaga gagawin. Nung ginawa ko to at nakikita nila na wala naman nag bago sa kinikilos ko puro "oo" lang ako, napagod at tumigil rin sila kaka-"advice". Yun ang gawin mo. Ending niyan, kakausapin ng in-laws mo ang husband mo dahil sa "katigasan ng ulo" mo tapos husband mo na mage-explain kung bakit. Low key makaka-iwas ka sa stress at gulo. Kasi si husband mo na mai-stress sa pangingialam ng family niya.

well, Sa personality ko kasi sis hnd ako napayag na diktahan ako ng inlaws ko NEVER. May comment sila saken befire na iformula ko ndaw eldest ko pra hnd ako mahirapan sinagot ko tlaga sila na No ayoko, Hanggang gusto nya dumede dede sya saken. Sa 4 kasi na magpipinsan anak ko kang breastfeed. Simula nun hnd na sila nangielam. When it comes sa anak ko sis ako lang nasusunod, ang asawa ko nasunod saken un basta alam nyang tama at advise ng pedia. Kahit nakatira kmi sknila wala pdin sila control sa anak ko at sa amin ng anak nila. Kaya mahalaga tlaga na dpt kayong mag asawa is open communication at alam nyo dpt preho ang makakabuti sa anak nyo. Dpt perho tayo ng isip at priorities. hnd dapat sya ganyan ka itrato.Ganyan na ba sya before pa bago kayo nagkaanak? Need nyo magusap ng asawa mo at tanungin mo sya sino ba priority nya at anong papel mo sa buhay?if he cant respect at treat u as a mother and wife then mag isip isip ka sis. Kasi ako hnd ako nagpapaapi sis, Kahit nakikitira now sa inlaws ako pdin msusunod.

red flag yan mamsh. he should take the responsibility as the head of the family. yung inlaws mo should only guide you sa mga bagay na nd mo pa alam nd pra pangunahan ka sa mga gstu mo gwin sa baby mo. you know what's best for your baby.

hindi naman oa un normal lang magalit ka. my child my rule. pag nagkasakit ba sila ba nagaalaga? sila ba nahihirapan? moreso ung bata ung mahalaga. which option is healthier for him ba ? sino ba ang bibili ng formula if makasanayan ng baby un? sila ba?? ung partner mo kulang sa respeto sayo e. ano ba naman ung tanungin ka mahirap kase mag pamilya ng lalaking hindi handang humiwalay sa magulang. ikaw magtitiis tas gaganyanin kana nya lagi. may better ways naman to say No to inlaws e. search and practice wag lagi naka yes

mahirap yan ganyan sa end ko wala kung problema sa decision making sa bata man or sa bahay kasi nililinaw ko sa asawa ko kung kanino dapat sya naka support lalo na Pag usaping pamilya maliwanag samin na walang say ang ibang tao in laws pa yan or parents ko . kasi PG my sakit or my problem naman kaming dalawa lang ang nag dadamayan the rest ay noise na lang. kaya kahit ano pa mga say nila steady lang kaming Mg asawa. kasi Alam namin pamilya namin Toh kami ang take charge hindi sila.

Mommy dapat ikaw yung masusunod dahil ikaw ung mommy. You need to stand on your ground. You don’t have to be rude to say “No”. Explain mo sakanila yung side mo then bahala na sila. Wag ka papatalo at lalo kang masstress sa ganyan. Anak mo yan! Ikaw nagbuntis nyan!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan