Palabas lang ng sama ng loob about sa biyenan

Mga mommy gusto ko lang mag share ng hinanakit ko kasi ngayon buntis ako ulit tapos yung panganay kong anak mag 2 palang tapos hiniram nila baby ko, e nagka ubo dito saamin dahil sa init ng panahon tapos di mahilig kumain ng kanin puro biscuit at gatas lang kahit pilitin ko ayaw parin, and then biglang sabi sakanila na daw muna anak ko habang mainit ang panahon at papatabain rin daw muna nila dahil ang gaan na daw baka daw hindi ko naaalagaan. E takte tagal pa matapos ng summer tapos sabi pa pag nainip nalang daw ako saka dadalhin ulit sakin like wtf? parang mga hindi naging magulang🙄Edi ako naramdaman ko at nasabi ko nalang sa utak ko na "takte sino ba may gustong magka ubo ang anak at sino bang nanay na di aalagaan yung anak?" napaka tino ko naman di ako nalabas or kahit tumambay sa labas ng bahay namin hindi ko ginagawa. Grabe lang kasi buntis na nga ako tapos ganun pa, tapos di ba nila iniisip na mag isa lang ako dito sa bahay? wala na nga asawa ko nasa malayo tapos kukunin pa nila sakin anak ko? ano akala nila masaya ako pag wala anak ko? takte di lang ako makasagot e kasi ginagalang ko parin sila, pero deep inside sobrang nakakadurog ng puso, alam ko naman na unang apo nila anak ko pero sana di naman nila yung parang aagawin na sakin takte nanay ako lolo at lola lang sila😥💔

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. Alam ko naglalabas ka lang ng sama ng loob pero ito masasabi ko. Regardless sa weather sakitin talaga ang mga toddlers. Nababawasan lang pagiging sakitin habang lumalaki. Sa food naman po, please refrain from offering biscuits, bigyan mo po ng fruits as snacks at kung ano po food niyo yun po ipakain niyo sa panganay niyo, toddler serving sizes lang para safe from choking etc. Wag niyo rin po pilitin na to the point mai-stress na kayo, the best way to help your child eat is to eat with them and offer without pressure, at kung kaya gawin masaya ang hapagkainan. Tsaka share ko lang din advice ng Pedia ng anak ko sakin, is Pinggang Pinoy, dapat yung meal niya may Go, Grow and Glow foods. Go/Carbs-rice/tinapay/oats, meat/cheese/milk for protein/Grow, and veggies or fruits ang glow foods. Then vitamins naman na prescribed ng Pedia namin para gumana kumain is AM-Propan Syrup at PM-Polynerv. Ask mo Pedia niyo if may maprescribe siya. Kung wala naman pong concerns or sinasabi si Pedia sainyo about sa weight or food intake ng baby niyo at yung mga sinasabi ng inlaws niyo ay opinion lang nila sa kung paano nila nakikita ang bata, mas mabuti pang wag mo nang damdamin at isipin pa. Gets ko kung bakit sumama ang loob mo, esp sa part na sinabi nila na “kapag nainip ka saka dadalhin sayo.” Kasi parang namamaliit ang pagiging ina mo sa anak mo, na para bang higit ang karapatan nila sa anak mo kesa sayo na ina. Hindi ka kasi binigyan ng karapatan para mag decision para sa anak mo, sila na lang ang bastang nag decision na para bang alam nila kung ano ang mas ikabubuti ng anak mo. Tayong mga ina may pagka-possessive talaga tayo sa mga anak natin lalo kung maliliit, bata or baby pa, kaya valid ang nararamdaman mo. Mahirap magkimkim at magtimpi kasi sooner or later sasabog ka na lang bigla. Kaya maiging sabihan mo ang husband mo about dito, na kung gusto talaga nilang alagaan ang anak mo, at makatulong sayo, sila ang dumayo sainyo, hindi yung kukunin nila ang bata sayo. Yun lang, hope makahelp.

Đọc thêm

alam mopo mhie hindi nmn po sa kumakampi po sa knila or what ang sken lng po mhie buntis kapo and gaya nga po ng sabi mo malayo dn po ung asawa mopo baka pwedeng ipagkatiwala mopo muna sa knya para habang nagbubuntis ka e hindi kapo mahirapan kc po sa ngayon po tlga ang mga kids po e malilikot ndn like 2year old ndn sya baka ikw dn po mahirapan nyan kasasaway opo nndun npo tyo sa my nasasabi po cla sa inyo pero po isipin mo dn po kalagayan mo na baka mamaya e ikw dn po ang mahirapan nakakainis lng po tlgang isipin na parang sisihin ka nla sa pag aalaga ng bata pero un npo ung words na alam nla basta po ang isipin mopo ngayon ung hindi kpo mahihirapan ipaubaya mopo muna sa knla then after nun dalaw ka nlng po sa knila ung mga cnasabi nla wag mo nlng po isipin or damdamin makakasama yan syo gawin mopo pasok sa Tenga labas sa kabilang tenga kunyare hangin nlng cla syo para lng hindi kapo mamroblema gnyan tlga mga biyanan khit alam mo nmn ung gagawin at makakabuti sa bata feeling nla e mas worth pa ung naitutulong nla in the end napapahamak lng dn nmn.wag mopo masamain mhie ah for help lng sa nararamdaman mo🥹

Đọc thêm
9mo trước

+Pwersahin sarili ko kc apo dn nla ung dinadala ko mapapamura ka nlng tlga kc hindi nla un maintindihan.

Mii, siguro gusto kalang nila tulungan sa pagaalaga ng baby mo lalo nat buntis ka. Mabuti nalang at may pake ang parents sa anak mo at gusto nilang alagaan. Kelangan mo din na makakatulong sa pagaalaga kung nahihirapan ka pakainin siya. Siguro nasaktan ka sa sinabi nila ganun talaga magsalita pag matatanda na wag mo nalang mi sabayan bawal mastress ang buntis. Alam ko nakakastress magalaga ng bata, pero no choice tayo kundi gawin ang tungkulin bilang mommy. Kalmahan mo lang at wag daanin sa sigaw ang bata. Kelangan lang ng tyaga mii. Fighting! Mas okay sguro na mag stay sila jan pag may time para matulungan ka nila sa pagaalaga hindi yung kukunin nila. Para nakikita mo padin anak mo. Yun eh depende sa usapan niyo.

Đọc thêm

Sakin naman po, pasalamat naman ako dahil may asawa ako na sinasabihan ko kapag may di ako nagustuhan or nasagasaan na ung pagiging magulang namin sa anak namin pero since na nakikitira kami sa parents nya, sinusunod ko naman pero kapag alam kong ok naman sundin. Pero kapag kukunin or isasama nila kung saan nila gusto, dinidirekta ko sila na hindi pwede, ok lang kako kung malapit lang at kasama kahit isa sa amin ng asawa ko. Kasi kung may mangyari man na hindi maganda sa anak, sa magulang parin ang sisi. Tsaka alam natin at panatag tayo kapag kasama natin sila palagi.

Đọc thêm

Ante,pakainin mo po kasi ng kanin yang anak mo,baka naaawa sila jan dahil mukhang kulang sa sustansya, base sa kwento mo hirap kang pakainin anak mo,then bili ka vitamins na pampagana kumain,gawan mong paraan,para dika napupulaan. Baka kaya gusto nilang kunin sayo dahil mukhang napapabayaan mo na. Sorry mii, although valid ang feelings mo,d kasi ako mahilig pumanig sa one sided story,baka mamaya maganda reason ng byenan mo kaya nasabi yan,baka para lang mapilitan kang alagaan pa lalo ang anak mo. Hindi rin katwiran na buntis ka ngayon para mapabayaan mo panganay mo.

Đọc thêm
9mo trước

Mommy shaming agad yung pagsasabi ng totoo? Hirap sainyo konting salita lang napaka OA niyo,no wonder ganyan treatment sainyo,konting bagay,iyak lol

Valid po yong nararamdaman mo Mommy. Wag na lang pong masyadong pa-apekto sa nasabi ng inyong in-laws since di nyo naman po talaga pinapabayaan si first born. Minsan may mga tao po talagang ganun, ang bunton ng sisi ay laging sa ina which is di naman po dapat. Iwas stress po Mommy since preggy po kayo. Isipin nyo na lang po na chance nyo po ito para makapagpahinga habang nasa poder ni inlaws si toddler. Kumustahin nyo din po pa-minsan minsan tapos kapagka nawala na po ubo saka nyo po ihirit na ibalik na sainyo.

Đọc thêm
9mo trước

Kakalungkot lang po kasi, lalo na ngayon emotional pa talaga ako. Nakakainis lang kasi kaya minsan pinapanalangin ko nalang na magka-anak na ibang anak nila para di na palagi yung anak ko kinukuha at nakikita🙄 Tapos mga paladesisyon pa kung kailan sakanila anak ko, di man lang maisip mararamdaman ko pag mag isa lang ako ngayong buntis pa ako, kahit isang tao sa bahay wala akong kasama tapos malayo pa bahay nila🤧

Same sa mga in laws ko, laging sinasabi ang payat daw ng anak ko. Tapos nung nasa kanila, pinainom ng chuckie eh 1yr. old pa lang yun tapos pinalaro sa mall yung binabayaran per hour. Tapos ngayon nagtatae, sabi ng pedia nakakain or nakainom ng may bacteria. Hays hirap din ng ganitong sitwasyon hindi mo masagot kasi nirerespeto pa din sila lahit papaano. Kaya palagi kami nag aaway ng asawa ko sa kanya ko palagi sinasabi.

Đọc thêm
9mo trước

Trueee, pag nagkasakit sa kanila di naman sinasabi rin sakin. Tsaka di rin naman ako maka galit, parang walang karapatan ba ganun since matanda sila kakabwisit

Thank you all mga mommy🥰❤️ Positive or negative man comment or advices niyo is natutuwa ako❤️ Nakakatulong sa nararamdaman ko. Sana nga rin ay hormones lang ito hehe Kakalungkot lang kasi kahit isa wala akong kasama dito sa bahay tapos kinuha pa anak ko hahahahahaha kakaiyak kaya pag walang katabi na anak, di ko kaya pero kinakaya ko naman mga mi🫶🏻 Thank you so much ulit sainyo❤️

Đọc thêm
Influencer của TAP

Mi ok lang yan. Labas mo nararamdaman mo. Pero malay mo kaya din nila hihiramin eh para sa iyo Din. Kasi nga buntis ka ulit. Para maka full rest ka din siguro. Taaka hindi ka din pwede mag buhat buhat ng matagal. Laban lang mi.

Stay strong mhiee