Fetal Doopler 12 weeks
Hi mga mommy ask ko lang po sana,sino na po naka try sa inyo gumamit ng fetal Doopler?hindi kopo kasi talaga mahanap yung heart beat ni baby which is dapat mabilis daw tibok. Naririnig ko lang po ay heartbeat ko.kaka 3months lang po ng tiyan ko. Salamat po sa pag sagot. Godbless #FIRSTIMEMOMFIRSTBABY #AdvisePlease
Mahirap po hanapin ang hb pag maaga pa. Sa doctor nga po, hindi rin sinubukan ng OB ko before 12 weeks kasi ayaw nya akong ma-disappoint. The following check-up narinig ko na sa doppler ng OB. Bumili ako sa Shopee, pero sa totoo lang po, mahirap hanapin at sobrang liit pa ni baby ng ganung edad nya. Sa akin bumilis mahanap hb nya nung mga 16 weeks pataas na. Lagi pong sa bandang puson nyo sisimulan. Watch YT videos din. Also, sabi ng OB ko, yan din maaring pagsimulan ng unnecessary stress ng mommies. Kung wala naman daw bleeding at cramping, or ibang kakaibang symptoms, wag po masyadong mag alala.
Đọc thêmHello, mi! Pag 16 weeks ka na magtry magdoppler. Kasi too early pa ang 12 weeks. Medyo diinan mo lang kasi masyado pang maliit si baby kaya di pa gaano maririnig heartbeat niya. Safe naman kasi madiin din ang paggamit ng doppler sakin noon ng OB ko and di naman magcacause ng harm kay baby kasi parang nagsswimming pa siya sa uterus natin. Di siya maiipit. Tapos, para mahanap mo yung heartbeat ni baby, dun sa may bandang puson mo ilagay yung doppler. Once na narinig mo yung parang takbo ng kabayo as in mabilis na beat, yun na yung heartbeat ni baby.
Đọc thêmthanks momsh💙💙💙
paturo po kayo kay OB kung paano gamitin bago nyo po itry magisa. kasi nakakaparanoid yan. ganyan po nangyari sa akin di ako makatulog kaya agad na ako bumalik kay OB. awa ng Diyos okay naman si baby. 11 weeks nung tinry ko wala din mahanap si OB. para daw talaga kami maghahanap ng karayom sa dagat. hehe. pero inultrasound po nya agad para sa peace of mind ko. 19 weeks na ako ngayon at everytime di ko mafeel si baby in a day, checheck ko hb nya.
Đọc thêmsalamat po💜💜
Bumili ako doppler ko nung 14 weeks ako ata pero tinry ko di siya nagbibilang ng heart rate although may naririnig naman ako pero mas accurate daw kase kung may bilang tapos nagtry ulit ako nung 21weeks ko meron na siya nadedetect na niya yung heartbeat ng baby ko now i'm 32weeks preggy. Hintay kalang mamsh. tapos bandang puson mo hanapin ang heartbeat niya.
Đọc thêmAko po 16weeks nagstart gumamit ng fetal doppler. Right after ako gamitan ng OB ko ng doppler kasi nakita ko kung pano nya ginamit at hinahanap ang heartbeat as well as yung tamang tunog na maririnig ko. Try nyo po sa may bandang puson, just above your pubic. Pati po sa mga gilid gilid. Wag po kayo masyadong magpa kastress mommy.
Đọc thêmhndi Naman po kse nkukuha yan sa number ng droppler gnyan din aq nung una nung prenatal check up q pndla ni ob me mddnig ka parang me hanging na tunog kabyo na tuloy tuloy aun po ang heart beat, ni baby and Minsan kse kht na 12 weeks na dpa din po nkkpa nkkta man pero mhrap gnyan po saakin nun
Mahirap talaga hanapin Mi. Tiyagaan talaga yan. Nood ka mga Youtube videos para makuha mo technique. Nung una din ganyan ako. Nastress pa ako lalo kasi hinde ko mahanap. Nakailang video tutorial ako bago ko nakuha. Tsaka damihan mo onte ng gel. Mas malakas reception pag madami gel.
salamat po💙💙💙
Too early pa po para marinig niyo mommy, pero sakin sabi ng OB ko not recommended na gumamit nito kasi yung ibang mommy nasstress pag di agad naririnig si baby pero okay na din naman to para lang ma make sure mo everyday kesa hirap din hintayin yung monthly check up.
salamat po💜💜💜💜
To early pa momsh, dapat nasa 16 weeks pataas kana gumamit nyan ako nga nang hihinayang yung binili ko hindi ko nagamit eh active kasi si baby sa loob simula 3 months tyan ko may movements na sya☺️until now 22 weeks na kami☺️
salamat po💙💜
nahirapan dn ako jan nung 18 wks.. kaya pinagpaliban ko muna.. basang basa na kc tyan ko sa gel pero d ko mahanap.😅😅. pero ramdam ko galaw nia.. pero nung 22 wks.. ayun nahanap dn sa right side kahilera ng pusod..
try po mi nxt week kasi aq nagtry aq nyna mga 9week hirap talaga hanapin tpos nun 13weeks na aq try q ulit nakita na agad HB ni baby.. hintay kapa 1week tpos try mo ulit..
tiwala lng maririnig mo din yan mi hehehe..
Excited to become a mum