Hi Mommy! Almost same tayo ng age ni baby. Ganyan po ako nung una. Bali nagkaron kami ng pattern dito sa bahay - si hubby night shift kasi sya so after shift nya sya ngbbantay kay baby (12pm to 4pm) pagdating ng 4 bantay ko si baby. 6pm papakisuyo ko muna sya kay mama na dun muna sa room nya then magssleep po ako from 6 to 930. Tas 930 hanggang magising si baby ako na bantay nya. Nung 1week to 4 weeks ni baby di talaga ako nakakasabay ng tulog kay baby, kasi tatakot din ako. Tas after a month nya dun na ko medyo nakakaidlip. Minsan from 10 to 1 nakakatulog ako. Tas 1 medyo mababaw na lang sleep ko nun. Si baby po kasi medyo bigay todong maginat kaya naggising din ako kada inat nya. Sabayan mo po my, tapos make sure na lang na nakalayo kay baby lahat ng pwedeng tumakip sa mukha nya like lampin. Nung nakaraan kasi buti gising ako nakita ko si baby ko after inat nya sinusubsob nya po mukha nya sa kama (nakatagilid kasi sya nun) tas yun. Isa din po observation ko kay baby, pag nahihirapan syang huminga parang gumagawa din po sila ng way para makahinga. Like iaangat yung ulo po.
Pero mahalaga po talaga na kahit papano nakakatulog tayo. For your health and milk production na rin po.
Anonymous