Mga mommy, ask ko lang po if meron sa mga baby niyo na nag karoon ng umbilical hernia or luslos? Last week po kasi maliit palang yung pagkaka usle ng pusod ni baby (1st two pictures) tapos dinala na po namin siya sa pedia (hindi po yung mismong pedia niya ang tumingin kasi hindi po available nung dinala namin), ang sabi po saamin hindi pa naman daw po alarming, and hindi naman daw po magiging alarming kasi normal naman daw po yun sa baby lalo na kung premature kasi hindi pa daw po nag bubuild ang muscle sa tyan (premature po si baby 35wks).
Then kanina po galing kami sa totoong pedia niya for rota vaccine, nung nakita na po ang pusod nirefer na po kami sa surgeon (not pedia surgeon kasi wala pong pedia surgeon sa hospital dito samin), sabi po nung surgeon na tumingin kailangan na daw po operahan si baby kasi malaki na daw po ang pag kakausle (3rd photo) at humihinge na po siya ng clearance sa pedia namin.
Gusto po naming mag pa second opinion kasi ayaw po namin paoperahan si baby dahil kawawa naman, una risky po ang opera, pangalawa masyado pa po siyang bata (6weeks old), tsaka nakakaawa po ang baby pag post operation na dahil masakit pag may tahi tyan (CS moms know).
Baka po may same case sainyo na gumaling po ang baby without operation.
PS: Hindi po namin binibigkisan si baby dahil ayaw po ng pedia.
PPS: Mahilig po umire si baby kaya po lumaki na yung hernia niya. Kinakabag po kasi siya lagi kahit nag buburp naman kami.
Canimo