DO YOU FEEL YOUR BABY?

Hi mga mommy! Ask ko lang anong month nyo unang naramdaman yung baby nyo and paano nyo naramdaman?

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

18weeks ko una naramdaman ang sipa pero 2weeks before that parang may bubbles sa bandang puson. Simula ng malaman kong buntis ako hinihimas ko yung puson ko kasi base sa internet 4months daw usually una nararamdaman. Until now hinihimas ko, gumagalaw po siya. Posterior placenta po ako

sakin po sa 14 weeks ko sya una naramdaman now na 18 weeks po ang active nya sa puson ko worried nga po ako kung normal lang ba na sa puson ko sya nafefeel. now nga po gising sya kaya malikot at panay din ako ihi pero grabe yung feeling ko mapapangiti ka nalang talaga😇😊

Sakin 12 weeks po mamsh nararamdaman ko na siya ngayon im already 21 weeks sobrang nagalaw na sa baba ng puson di naman ako nagwoworried kasi sabi nila the more na magalaw ang baby alam mong healthy siya🤗

18 weeks and turning 19 weeks tomorrow. nararamdaman ko na sya. pero hindi sobrang lakas, i mean para syang bumubukol sa pelvic side ko. grabe, nakakatuwa

As per OB pag first time mom, mga 24-28 weeks daw mararamdaman yung likot ni baby. Sakin mga 22 weeks ko na ata sya naramdaman.

Influencer của TAP

Hi mi ... around 2nd trimester na ako nun hehe napaka ligalig nya malala & nakakatuwa sya actually na nakaka excite na.☺️

13weeks sakin since 2nd pregnancy ko. sa 1st ko 18weeks..kusa lang yun mafufeel larang bubbles sa puson mismo o pitik .

4 months or 5 months ramdam na Po Yan pero mahina pa lng mnsan parang may umaalon lng o kaya mahinang pitik lng sya.

depende sa placenta mo Mii .. ako posterior mga 5 months ko na syang naramdaman ng husto

pag first time mom daw po around 20 weeks kaya po yung akin 20 weeks ko po naramdaman.