Pa help po
Mga mommy ano po bang mabisang gaein para mawala ang UTI , ni halos hindi ko kinakain mga bawal. Every check up ko nalang may Uti naawa ako sa baby ko
di ka ba niresetahan ng antibiotics? kung meron, inumin mo yun sa tamang oras at tamang dosage. wag ka dapat makalimot kahit isa, at kung ilan lang reseta, un lang inumin mo. tapos di mo naman need mag fem wash. sa umaga siguro pag naligo ka, isabay mo na yung hugas gamit mild soap. di recommended ng OB ang fem wash. tapos every ihi mo maghugas ka ng tubig at magpunas ng malinis na tuwalya o tissue. pat dry lang, wag kuskos ang punas. basta laging tuyo dapat ang area na yun. always wash din before ang after sex niyo ng partner mo. kung pwede ka magwiwi after sex, mas maigi para ma-flush yung bacteria na pwede mo makuha sa sex. kung nagpupunas ka ng tissue pagka cr, palikod yung direction (pepe to puwet). wag yung puwet papuntang pepe. ganon din pag naghuhugas pagkatapos magdumi. basta bago mo ihawak ang kamay mo sa pepe, siguraduhin walang bahid ng dumi galing sa puwet. sabonan mo muna bago ihawak. ang UTI (urinary tract infection) ay di nakukuha sa pagkain ng maalat o anuman. isa siyang bacterial infection sa daluyan ng ihi. proper hygiene ang sagot for prevention.
Đọc thêmmi,bukod sa more water intake, need mo gumamit ng feminine wash. idilute mo mi sa water, wag direct sa palm pra d msyadong mtapang.
buko juice po yung fresh at di sinangkapan
increase water/fluid intake, mi.