Madali po mabore ang baby. 4 months din si baby ko. Ang ginagawa ko nililipat lipat ko, sa kama itummy time ko, sa crib patutugtugin ko yung mobile niya, bubuhatin papunta sa labas ng kwarto, minsan sa garden tatambay kami, babasahan ng libro, kakausapin. Nakakapagod talaga. Pero wag mo pagurin, up to 90 minutes lang kaya nilang may activity, pag lumampas dun mas mahirap na silang patulugin at magiging iyakin na. Pag mukhang pagod na siya, start mo ng ihele habang finifeed. Sa gabi naman mahaba na tulog ni LO simula nung nagwarm bath kami mga around 6 PM. After nun tulog na siya. Gigising lang siya para dumede, inaagapan ko bago tuluyang bumukas yung mata, magside lying na kami. Basta mommy pag kulang ang pahinga ni baby mas lalo siyang cranky.