Hi mga mommies!
Share ko lang sa inyo ganap sa buhay ko ngayon na pwedeng makatulong din sa inyo hehe. Kakapanganak ko lang po last November, and patapos na rin po ang 105 days na maternity leave ko (so sad haha).
While on leave, I looked for something na pwede kong pagkaabalahan at the same time kikita ako pandagdag panggastos kay lo.
By the way, I'm a gov't employee po, and my hubby is a barista. Medyo hirap kami ngayon kasi napagastos kami ng sobra kay baby dahil naemergency CS ako, so nagamit talaga lahat ng ipon namin and nagkaroon din kami ng mga loan.
Fortunately, I've found a sideline while on leave. Online Selling of OEM shoes as posted below. Kumikita ako ng 500 to 1000 pesos depende sa patong sa shoes. Sobrang laking tulong lang sa panggatas ni baby kasi mahina gatas ko kaya formula fed si baby.
I'm sharing this with you para mainspire ang ibang mommies na may magagawa tayo habang nakaleave at nagbabantay kay baby na mapagkakakitaan din natin. I can help you if you want po. Pashare naman din po ng sideline job niyo po mga mommies para magkaroon ng idea ang mga kapwa natin mommies! ❤️