Do not sit without support
Hello mga mommies, yung baby ko lang ba or may katulad din sa kanya na 7 month old na pero di pa din sya makaupo ng sya lang. Need pa din talaga alalayan. Normal lang po ba ito? Any suggestions po kung pano po ma train si baby para umupo na sya ng walang support?
Same lang sa 3rd baby ko kaka 8 months nya lang. Paunti unti na syang nakakaupo ng maayos sa bed. Nilalapag nya na ung kamay nya para ibalance sarili nya. Wala naman kaming ginamit na kung ano other than sa high chair tas hinhayaan lang namin mag roam sa bed. Mas ahead sa milestones ung baby ko compared sa dalawang nauna kong anak. Ung dalawa ko 9 months na di pa makaupo nun ng maayos. Siguro iba iba lang talaga phases ng mga bata.
Đọc thêmbased from our experience, we used inflatable seat starting 5months. may sandalan naman un pero lagyan ng unan to adjust. eventually, hindi na sia sumasandal. then pinaupo namin sia sa kama, ilalagay namin ang kamay nia sa harap para masupport ang sarili nia. gang sa kaya na nia mag-isa.